Magtutuloytuloy ka sa pagbabago ng iyung pagiisip, ituon mo ang iyong focus sa mga bagay sa langit.
WOTG - Word On The Go
Kaibigan hindi sapat ang isa o dalawang oras tuwing Linggo sa church. Kung kumakain ka ng tatlong beses isang araw at ginagawa mo ito arawaraw walang dayoff para manatili kang malakas - bakit mo naman iisipin na sapat na ang dalawang oras sa pagkain ng Salita ng Diyos pag Sunday para bigyan ka ng nourishment spiritually.
Kaibigan manghihina ka at magiging spiritually malnourished kasi ang dumadaloy sa isip mo ay mga bagay ng mundo na walang nourishment na maibibigay sayo spiritually.
Kaya nga sabi kanina na magiba ka ng isip at ihandog mo na ang iyung katawan bilang banal at kalugodlugod sa Diyos bakit daw? Kasi ito ang karapatdapat na pagsamba. Kasi kung hindi kabanalan ang hinahandog mo sa Diyos yan ay hindi karapatdapat na pagsamaba sa Kanya. Bakit? Kasi yan ay idolatry o pagsamba sa diyosdiyosan
Pero kung ang Salita ng Diyos ang dumadaloy sa iyung isip arawaraw ay pinapanatili nito na malinis ang iyung pagiisip, pinapanatili ka nitong malusog spiritually, puno ng lumalagong pagmamahal sa Diyos at sa kapwa at puno ng passion na maglingkod sa Diyos.
Maaaring hindi ka perfect, nadadapa ka pa din pero dahil sa nakaset ang iyung isip sa panlangit na bagay arawaraw ay tatayo ka ulit at babalik sa Diyos.
Panuorin ang buong mensahe, pindutin lang ito
πwww.youtube.com/watch
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #walkwithGod #christianvlog