My Second Book Online Launch (GET TAGALOG EBOOK FOR FREE HERE!)
Loida Bauto
Nang maging parte ako ng komunidad ng mga taong may kapansanan, nagbukas sa akin ang panibagong mundo. Mundo na noo’y wala akong alam. Marami akong nakilala. Maraming natutunan. Mula rin ng magkasakit ako, marami akong nalaman na mga kwento - mga taong gaya ko na lumalaban sa sakit, mga taong maraming pagtatanong, o mga taong naghahanap ng kabuluhan sa mga paghihirap na nararannasan nila.
Katulad ng marami sa kanila, ganoon din ako. Maraming tanong. Kapag nalalaman ko ang kanilang mga buhay, wala akong ibang maisagot kundi makinig sa kanila. Dahil nakikita ko ang sarili sa mga pagtatanong nila.
Nakilala ko si John Paul sa grupo naming AVM Philippines. Gaya ko, mayroon din siyang Arteriovenous Malformation o AVM. Sa akin. Sa utak. Sa kaniya, sa Spinal Cord. Nakilala ko siya nang alamin ko ang kalagayan niya. Naging kaibigan ko siya habang nasa banig ng karamdaman. Hindi na nakakalakad. Hindi nakakatayo. Wala ng maramdaman sa kanyang mga paa. Apektado na rin ang kaniyang pag-ihi at pagdumi.
Nalaman ko rin na lola niya ang nag-aalaga sa kanya. Wala ng mga magulang si John Paul. Hindi niya nakilala ang kaniyang nanay. Namatay naman ang kaniyang tatay noong limang taong gulang siya. Ang tiyuhin niya ang tumayong ama niya at ang lola niya bilang ina.
Nakilala ko rin si Ate Marian at Kuya Brandon. May brain Avm rin si Kuya Brandon. Nalaman ko ang kalagayan ni Kuya Brandon nang mag-message sa akin ang kanyang asawa, na si Ate Marian. Pumutok ang AVM ni kuya nang unang beses noong 2009 at siya’y nakarecover. ngunit naulit muli noong 2016. Sa pangalawang pagkakataon, sinabi ng kaniyang doktor na “wala ng pag-asa na siya’y makarecover.” Nabuhay si Kuya Brandon matapos ng kaniyang pangalawang stroke. Ngunit hindi na siya nakakalakad, Hindi na nakakapagsalita, hindi na nakakakilos.nakahiga na lamang si Kuya at buong pagmamahal na inaalagaan ni Ate Marian.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na bisitahin si Kuya Brandon sa tulong na rin ng aking Ate at isang kaibigan noong 2018. Mabigat ang aking pakiramdam habang pumapanhik kami patungo sa kwarto. Tahimik kami. Payat na si Kuya Brandon. Dahil na rin sa matagal na pagkakaratay. Pinapakinggan lamang namin ang mga kwento ni Ate Marian. Hindi ko kayang maabot ang bigat na mayroon sila. Ang alam ko lang, napakabigat. Humanga ako sa pagkapit ni Ate Marian sa Panginoon. Hindi namin sigurado kung naririnig ako ni Kuya Brandon, pero nakatingin ang mga mata niya sa akin nang kausapin ko siya.
Ilan lamang ang kanilang mga kwento kung bakit tumindi ang kagustuhan kong makapagbigay ng sagot sa mga katulad ko. Napakarami pang kuwento na pwede nating malaman. Kahit saan. Iba-iba. Bukod sa mga sarili kong karanasan, napapatanong ako, “Bakit ang hirap?”
Namaalam na si Kuya Brandon matapos ang mahigit tatlong taon na pagkakaratay noong Disyembre 2019. Namaalam na rin si John Paul nitong January 2020. Para sa lahat ng nakakaranas ng iba’t-ibang paghihirap sa buhay, samahan mo ako hanggang sa katapusan ng libro na ito.
IDOWNLOAD ANG BAKIT AKO? EBOOK DITO: drive.google.com/file/d/197klJ7mxoIZmA1CZACEhhwSI-WlGelU2/view
SICKNESS by JC Ryle (TAGALOG): drive.google.com/file/d/1sawU4niDvZurlONv1f2pSERmIdoibxAE/view
-------------------------------------------------------
Download the 2017 E-book version of my book, Memento, here:
drive.google.com/file/d/1i-upgflEKOl9ua_Ox5rwjECtV-kw3hFe/view
*of course, this is the unedited version. You can buy the 2018 Hard Copy of my book to me, I'll sign it for you if you requested hehe (just send me a message via FB or Gmail)*
-------------------------------------------------------
Here's my story: youtu.be/tdhXjm-TA8U
-------------------------------------------------------
You may send me a message at
Facebook profile: www.facebook.com/loidaconcepcionbauto
Facebook pages:
Loida Bauto, Author: www.facebook.com/mgalibroniloida/
Loida Bauto Vlogs: www.facebook.com/bautoloida/
E-mail me at: bautoloida@gmail.com
MY PUBLISHER: www.facebook.com/thepublishingprofessional
-------------------------------------------------------
🎶MUSIC CREDITS:
Music: Adventure by Bensound
-------------------------------------------------------
▶ video edited using Kinemaster App and FilmoraGo App
#bakitAkoniLoida #LoidaBauto #PWDvlogger