Si Zaqueo na Pinuno ng Maniningil ng Buwis

201 views,

Unlimited Thinking Revelation

786 views

Ang mga taong hindi pa malalim ang pagkakaunawa at pagkakakilala sa Panginoon ay mabilis makakita ng kasalanan at mag husga sa mga taong gumagawa ng paraan upang mapalapit sa Diyos. Nagmamatyag sila sa taong matuwid kung kaylan sila makakagawa ng kamalian at sasabihin sa sarili nila na mas mabuti pang magpakatotoo ka kaysa pinipeke mong maging mabuti. Ito ang kanilang pananaw. Ang mga taong ganito ay kulang sa pananampalataya at nag dududa kung talaga bang totoong may Diyos. Pinagyayabang nilang hindi ako sumasamba sa Diyos o nag aaral ng Bibliya ngunit ako'y mabuti. Sinasabi nila sa kanilang sarili na mas mabuti ako sa taong yan na sumasamba sa Diyos ngunit masama naman ang ginagawa. Hindi mo ito pwedeng ipagyabang sa harapan ng Diyos na sasabihin mong sa sarili kong lakas kaya ako'y naging mabuti. Ang kakayahan mong gumawa ng mabuti ay dahil sa espirito ng Diyos kaya dapat lng na sambahin mo siya. Pagpalain ang makasalanang nagsisi at lumalapit sa Panginoon. Kapag lumapit ka sa Panginoon hindi nangangahulogang hindi ka na makakagawa ng kasalanan kaya huwag tayong maging mapaghusga. Hindi tayo perpekto makakagawa at makakagawa tayo ng kasalanan kahit di natin nanaisin habang tayo'y nandito sa mundong ito. Ngunit hindi ito dahilan para gumawa na lng tayo ng kasamaan. Kaya upang tayo'y makaiwas sa kakagawa ng masama kailangan nating lumapit sa Panginoon at humingi ng tulong para malaman natin ang tama at mali. Sa pamamagitan din nito'y malilimit ang pag gawa ng tao ng masama. Ang taong malapit sa Diyos ay mabilis humingi ng kapatawaran kapag nagkamali dahil alam niyang hindi siya perpekto at kailangan niya ng tulong ng Diyos. Dadating din ang araw kung saan tayo'y bibigyan ng panibagong banal na katawan ng Diyos at wala ng kapangyarihan pa ang kasamaan sa katawan na ito. Ibubuhos ng Panginoon ang banal na espirito sa katawang ito kaya di na ito makakagawa ng kasalanan pa.

Sa ngayon dapat tayong magsikap na maging mabuti kahit pa na sa makasalanang katawan pa tayo at isuko natin ang lahat na ating pagamamay-aring pisikal, emosyonal, pag-iisip at spiritwal sa Diyos.

Related Videos

 /