Lumapit sa Diyos Araw-Araw, Simula sa Pagbabasa ng Kanyang mga Salita
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Sabi ng Diyos: "Kapag nilalamon nang buung-buo ng mga tubig ang mga tao, inililigtas Ko sila mula sa mga tubig na iyon na hindi dumadaloy at binibigyan sila ng pagkakataong mabuhay na muli. Kapag nawawala ang kumpiyansa ng mga tao na mabuhay, inaahon Ko sila mula sa bingit ng kamatayan, pinagkakalooban sila ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay upang magamit nila Ako bilang pundasyon ng kanilang pag-iral. Kapag naghihimagsik laban sa Akin ang mga tao, nagpapakilala Ako sa kanila mula sa kanilang pagrerebelde. Dahil sa dating likas na pagkatao ng sangkatauhan, at dahil sa Aking awa, sa halip na ipapatay ang mga tao, tinutulutan Ko silang magsisi at magsimulang muli. Kapag nagdaranas sila ng taggutom, bagamat isang hininga na lamang ang natitira sa kanilang katawan, inaagaw Ko sila mula sa kamatayan, pinipigilan silang mahulog sa bitag ng panlilinlang ni Satanas."
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 14
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.