📖𝐀𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐭𝐮𝐰𝐢𝐝✝

24 views,

The True Christians

14,800 views

Ngunit ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos,
at di sila makakaranas ng kaunti mang pahirap.
Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay namamatay.
Iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan,
at ang pagpanaw nila ay tuluyang pagkawala,
Ngunit ang totoo, sila'y nananahimik na.
Bagama't sa tingin ng tao sila'y pinarusahan,
ngunit ang totoo, sila'y nasa buhay na walang hanggan.
Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala.
Napatunayan ng Diyos na sila'y karapat-dapat.
Sila'y kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan,
kaya't sila'y tinanggap niyang parang handog na sinusunog.
Darating ang Panginoon upang gantimpalaan ang mga matuwid.
Magliliwanag silang parang ningas ng nagliliyab na dayami.
Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig,
at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman.
Ang mga nananalig sa kanya ay makakaunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan,
at ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig,
sapagkat siya'y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang.*

Related Videos

 /