Ano ang Kaharian ng Diyos?
BiblicalTruths TV
Kaibigan, may magandang balita ako para sayo.
Katunayan, ito ang pinaka-magandang balita na maaring marinig mo sa buong buhay mo.
Ang magandang balitang ito na gusto kong ibahagi sa’yo ay ito:
Ang lahat ng mga malalaking problema sa mundo ay malulutas na sa wakas!
Oo, kaibigan! Malulutas na ang lahat ng kasamaan at paghihirap dito sa mundo. Kasama na dito ang giyera at pag-aaway. Wala ng mahihirap. Wala ng magugutom. Wala ng polusyon sa dagat, sa lupa, at sa hangin. At, hinde lang yan, lahat ng uri ng karamdaman ay mawawala kasama na ang COVID-19.
Mahirap ba paniwalaan? Hindi mahirap paniwalaan yan kaibigan kung alam mo at naiintindihan mo kung ano ang tunay ng Ebanghelyo.
Noong huling episode natin, maaalala nyo na Ebanghelyo na tinuro ni Yahshua o mas kilalang Hesukristo ay ang magandang balita ng kaharian ng Diyos.
Pero, ano nga ba ang kaharian ng Diyos? Nakakalungkot na isipin na maraming nalilito kung ano ba talaga ang kaharian ng Diyos. Maaring ibat-ibang kasagutan ang makukuha mo mula sa iba’t ibang tao.
Sapagka’t, kung gusto mong malaman ang katotohanan, hindi na importante kung ano ang sasabihin ng iba. Ang importante ay ang kung ano ang sinasabi ng Bibliya.
Kaya ngayong araw, samahan niyo po kami sa pagtuklas ng kung ano ang tunay at tamang turo ng Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos.
------------------------------------------
Panoorin ang bidyong ito sa ibang linguwahe:
English Version: youtu.be/mG1BRIet1NM
Cebuano Version: youtu.be/T6Pz1DXt36g