Tama Ba ang Paniniwalang "Si Kristo Lamang ay Sapat Na"?
BiblicalTruths TV
Kaibigan,
marahil narinig mo na ang mga katagang “Christ alone” o si Kristo lamang. Ayon sa turong ito, sapat na ang maniwala kay Yahshua o mas kilalang Hesus. Ginawa na Niya ang lahat para sa atin. Dahil ginawa na Niya ang lahat, wala na tayong dapat gawin.
Sa katunayan, dahil sa ginawang sakripisyo ni Yahshua, hindi na kailangang sundin ang mga batas o utos na nasusulat sa Lumang Tipan.
Dagdag pa nila, “Once saved, always saved” o yung paniniwalang pag tinanggap mo na si Kristo sa iyong buhay ay ligtas ka na at wala ng bagay ang makakapagbago ng bagay na iyon.
Kaibigan, totoo nga kaya ang turong “Christ alone?”
Kung ating susuriin ang Salita ng Diyos, ang turong ito ay salungat sa paniniwala ng mga tunay na tagasunod ni Kristo.
Kaya sa episode na to, hayaan niyo kaming ibahagi sa inyo ang limang dahilan kung bakit ang aral na si Kristo lamang ay mali at hindi naaayon sa Bibliya.
------------------------------------------
Panoorin ang bidyong ito sa ibang linguwahe:
English Version: youtu.be/S1iKG4lBrdE
Cebuano Version: youtu.be/Xk9VmnLOVlU