Make Room to Love with Action (Make Room to Die to Self Part 4)

1,308 views,

WOTG - Word On The Go

110,000 views

Imagine mo ito kaibigan, May nasusunog na building. May mga tao sa loob—sumisigaw, natatakot, humihingi ng tulong. Nakikita mo sila. Ramdam mo ang awa. Sabi mo sa sarili mo, “Grabe, nakakalungkot. Lord, tulungan Mo sila.”
Pero… hindi ka gumalaw. HIndi ka tumawag sa fire department. Hindi ka nagisip kung paano makakatulong. Wala kang ginawa.

Alam mo Ganyan din minsan ang pagmamahal natin sa Diyos puro sa salita, puro damdamin, pero walang aksyon.

May ikwento ako sayo isang babae na hindi lang nagsabi ng pagmamahal kundi ipinakita niya ito.

Siya si Jackie Pullinger
Noong 1960s, isang batang babae mula sa England ang bumili ng one-way ticket papuntang Hong Kong wala siyang kilala, wala siyang malinaw na plano. Pero ang meron siya? Pagmamahal sa Diyos at kagustuhang sumunod.

Nakarating siya sa isang lugar na halos walang nagtatangkang pumunta sa Kowloon Walled City isang siksik, magulo, at mapanganib na lugar, puno ng adik, kriminal, at mga gang.

Pero si Jackie? Hindi lang siya bumisita. Kundi Tumira pa siya roon. Nakihalubilo. Nakikain. Nagdasal. Nagmahal.
At unti-unti, ang mga adik ay nagkaron ng healing hindi lang pisikal kundi spiritual. Hindi dahil sa progarama o rehab, kundi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu… na dumaloy sa isang taong handang ipakita ang pagmamahal ng Diyos sa gawa.

Kaibigan ito ang paguusapan natin ngayun sa pagpapatuloy ng mensahe noong Nakaraang Linggo
Noong nakaraang linggo, pinag-usapan natin ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. Nakita natin kung gaano Niya tayo kamahal, hanggang sa Kanyang paghihirap at kamatayan.

Now ang tanung pagkatapos ng resurrection… ano na ang susunod?

Tapos na ba tayo? Kakanta lang ba tayo ng “thank You Lord” tapos balik na sa dating buhay? Siyempre hindi. Ngayon ang panahon para lumago ang ating pagmamahal sa Diyos. Hindi lang sa salita… kundi sa puso, desisyon, at gawa.

Ito ang Huling Mensahe ng "Make Room" Series
Nagsimula tayo sa: Make Room to Die to Self, papatayin natin ang ating sarili at hahayaan na ang mabuhay ay ang Panginoong Hesus, tapos Make Room for the Only Way, wala tayong aasahan na ibang tagapagligtas kundi ang Panginoong Hesus. Then last week Make room for courage - ito yung How to Face Death Without Fear. Yayakapin mo ang katotohanan na nabuhay muli ang Panginoon at dahil dito ay magkakaron tayo ng tapang sa kamatayan dahil alam nating mabubuhay din tayong muli. At ngayon, ang huling bahagi “Make Room to Love with Action.”

Ang ibig sabihin kung totoong mahal natin ang Diyos,
Ay makikita ito sa buhay natin. Meron itong aksyon.
Sa ating pagsunod… Sa ating pagpapatawad…
Sa ating pagbibigay, paglilingkod, at pagmamahal sa kapwa.

Kaya paano natin ito isasabuhay? Paano tayo gagawa ng room o space sa ating kabisihan arawaraw para ipakita ang pagmamahal sa Diyos? Yan ang tatalakayin natin ngayon. Tandaan mo ang pag-ibig na hindi kumikilos, hindi tunay na pagmamahal.
Pero ang pag-ibig na gumagalaw, sumusunod, at naglilingkod 'Yan ang pagmamahal na nagbabago ng mundo.

Support this ministry: wotgonline.com/donate/
Receive Daily Encouragement and Inspiration: https://forms.gle/DwnYNTfuM9rMRv1DA
Join our Online Discipleship Group, register here: https://forms.gle/cFjLyaSh52CfMf7M8
Ready to Answer: bit.ly/readytoansweryt
Wotg Tagalog Bible Study: bit.ly/YT-WotgTagalogBibleStudy
Message Scipt: bit.ly/SCRIPT-MakeRoomfortheO...
Life Application and Missional Guide (LAMG): bit.ly/LAMG-MakeRoomfortheOnl...
Join our Worship Service: community.wotgonline.com/worship
Share your Testimony with us: https://forms.gle/mVsdH6ZMk5uBLfiH8
Registration Form for Baptism: https://forms.gle/GrD4NnEAtoPdyU5r9
Registration Form for Dgroup Leaders Training: https://forms.gle/4uiFkTRwNiRCriiFA

#karangalanngdiyos #kaluwalhatianngdiyos #tagalogsermon #tagaloginspirational #tagalogbibleverses #tagalogmotivational #tagalogbiblestudy #tagalogpreaching #wotg #christianvlog #ccf

Related Videos

 /