Christian Dance | "Ang Tunay na Pagmamahal ng Diyos" | Praise Song

815 views,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

217,000 views

Christian Dance | "Ang Tunay na Pagmamahal ng Diyos" | Praise Song

I
Ngayon ay nagbabalik ako sa harap ng Diyos;
sa pagtatamasa sa mga salita ng Diyos,
nakararamdam ng walang kapantay na tamis ang aking puso.
Ang pag-unawa sa katotohanan ay nagpapalaya sa aking espiritu,
at nagpapaalam ako sa mga gapos at bigkis ng mga seremonyang panrelihiyon.
Ngayon ay nagbabalik ako sa harap ng Diyos;
sa pagdanas sa paghatol ng Diyos, nalalaman ko ang Kanyang disposisyon.
Pagkakita sa kaibig-ibig na mukha ng Diyos,
napakarami kong gustong sabihin sa aking puso.
Ang magiliw na mga salita ng Diyos
ang nagdidilig at nagpapalusog sa akin habang ako ay lumalago.
Ang paglalantad at paghatol ng mahihigpit na salita ng Diyos
ang nagbibigay-kakayahan sa aking makilala ang aking sarili.
Ang pagkakataon nating gawin ang ating mga tungkulin sa pamilya ng Diyos
ay pagtataas Niya sa atin.
Ang pagkakataon nating lumakad sa tamang landas sa buhay ngayon
ay pagpapala at awa ng Diyos.
Mamahalin Ka namin magpakailanpaman, o Makapangyarihang Diyos!
La la la, purihin ang Makapangyarihang Diyos!
La la la, hallelujah!

II
O Diyos, tunay na mahal na mahal Mo kami!
Bawat araw ay nagsasalita Ka ng mga bagong salita,
nagdidilig at nagtutustos sa amin.
Sa pagbabasa ng Iyong mga salita araw-araw,
nagkakamit kami ng bagong kaliwanagan;
nauunawaan namin ang maraming katotohanan at unti-unti kaming lumalago sa buhay.
O Diyos, tunay na mahal na mahal Mo kami!
Hinahatulan ng Iyong mga salita ang aming mga satanikong disposisyon.
Sa pagsasagawa sa Iyong mga salita, nalilinis ang aming katiwalian.
Kumakawala tayo mula sa impluwensiya ni Satanas at naililigtas.
Mga kapatid, bilisa't bumangon!
Magkasama nating purihin ang ating Diyos!
Nagagawa nating magtipon ngayon;
pahalagahan natin itong magandang panahon na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.
Iwaksi natin ang lahat ng gusot ng laman!
Purihin natin ang Makapangyarihang Diyos nang buong puso.
Tuparin natin ang ating mga tungkulin nang buong puso at lakas;
ipakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos nang may tunay na pagkilos.
Mamahalin Ka namin magpakailanpaman, o Makapangyarihang Diyos!
La la la, purihin ang Makapangyarihang Diyos!
La la la, hallelujah!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Related Videos

 /