Paano Maging Matapang na Tagasunod ni Kristo? Part 3
WOTG - Word On The Go
Sa mensaheng ito ay matututunan natin kung paano mahing matapang na tagasunod ni Kristo.
Kaibigan Natatakot ka bang umalis sa iyung comfort zone? Nagtataka ka ba at nagtatanung kung ano ba talaga ang kailangan para maging sentro ng buhay mo ang Panginoong Hesus? Alam mo kaibigan kung gagawin mong sentro ng iyung buhay ang Panginoong Hesus ito ay nangangailangan ng tapang. Tapang na magtiwala sa Kanya ng buongbuo. Tapang na sumalungat sa agos ng mundo at isuko ang pagkontrol. Now bakit kailangan natin ng tapang? Kasi ang pagsunod sa Diyos ay salungat sa paraan ng sanlibutan. Marami ang uusig sa pagbabago mo, marami ang magtatawa sayo kung ikaw ay mamumuhay ng matuwid tama ba. Hanggang simula lang yan babalik ka din sa dati. Pakitang tao lang yan. Maaaring maganda ang pakikiharap nila sayo pero pag nakatalikod ka na ay pinaguusapan ka na ng mga kasama mo sa trabaho, kaklase o kahit kaibigan mo.
Kapatid kung gagawin mong sentro ng iyung buhay ang Diyos ay kailangan mo ng courage kasi may pagkakataon na kailangan mo ng isuko ang iyung rights o karapatan, at pagnanasa na gumanti. Kailangan mo din ng courage na tanggihan ang iyung sariling plano sa buhay at gawin ang plano ng Diyos.
Narealized ko Kailangan mo ng tapang dahil dadalin ka ng plano ng Diyos sa isang lugar na ayaw mo at sitwasyon na hindi pamilyar sayo at hindi mo nakasanayan. Kayat kung hindi ka magpapakatatag sa Panginoon ay maaaring umayaw ka sa pagsunod sa Kanya.
Kailangan mo ng tapang dahil hindi madaling tanggihan ang laman natin na nagdadala sa atin sa kasalanan. Kailangan mo ng courage dahil may mga trials at testing. Kailangan mo ng tapang para hindi ka matakot na magpatotoo sa mga failures at kamalian mo sa buhay na binago naman na ng Diyos.
At marami pang iba. Ito ang paguusapan natin ngayun kung paano ba tayo magsasabuhay ng tapang bilang mga alagad ng Panginoong Hesus. Paguusapan natin ang buhay ni Joseph na asawa ni Maria. Manatili ka kaibigan hanggang huli dahil kakailangin mo ng tapang na kagaya ng tapang ni Joseph.
How Can I Be Courageous as a Follower of Christ?
1 Stand with integrity.
2 Follow God’s vision, Not Man’s Wisdom
3 Choose sacrifice over anger.
Support this ministry: wotgonline.com/donate/
Receive Daily Encouragement and Inspiration: https://forms.gle/DwnYNTfuM9rMRv1DA
Join our Online Discipleship Group, register here: https://forms.gle/cFjLyaSh52CfMf7M8
Ready to Answer: bit.ly/readytoansweryt
Wotg Tagalog Bible Study: bit.ly/YT-WotgTagalogBibleStudy
Message Scipt: bit.ly/SCRIPT-HowCanIBeCourageoussaFollowerofChristPart3
Life Application and Missional Guide (LAMG):
BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY
Beseeched - Asher Fulero
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF