DI AKO TAO-TAUHAN NA TAGA SUNOD LANG | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS

1,337 views,

MERCY BLESS

244,000 views

DI AKO TAO-TAUHAN NA TAGA SUNOD LANG
By: Jessica Pomasin Bula

Heto nanaman panibagong tula ang sinisimulan
Binabalik balikan ang naging buhay sa nakaraan
At napagtantong walang nagbago sa kasaluyan
Tulad parin ng dati, sa iba’y laging sunod sunoran

Habang tumatanda ako’t nagkakaedad
Mga mata’y unti-unting namumulat sa reyalidad
Mas masayang mabuhay ng simple at masaya
Yung tipong kahit sino dimo inaalala

Simpleng buhay lang ang gusto
Tahimik na kapaligiran at walang gulo
Yung magagawa ang lahat
Ng walang kahit sinuman ang sumasalungat

Ngunit ang lahat ay kabaliktaran
Walang katahimikan at mapandiktang lipunan
Ang pauli-ulit sumasalubong sa bawat araw
Kaya puso’t isipan laging may panglaw

Gusto ng kumawala sa lipunang ginagalawan
Ngunit di malaman kung pano at saan sisimulan
Dahil di madaling iwan at bagohin ang nakasanayan
Sa mundong binuo, di alam kung papano lilisan

Related Videos

 /