3 Nakakagulat na Dahilan Kung Bakit Hindi Mo Dapat Ipagdiwang ang Valentine’s Day
BiblicalTruths TV
Kaibigan, ano ang unang bagay na naaalala mo kapag naririnig mo ang February 14? Kung tulad ka sa karamihan, maaring ang unang maalala mo ay ang Valentine’s Day o ang araw ng mga puso.
Ang Valentine’s Day ay isa sa mga pinaka-popular na selebrasyon ngayon sa ating mundo. Bakit hindi? Isa itong araw na nakalaan para sa pag-ibig at dahil ang Diyos natin ay Diyos ng pag-ibig, natural lamang para sa atin na mga taga-sunod ni Yahshua o mas kilalang Hesukristo, ang ipagdiwang ang Valentine’s Day.
Ngunit, alam niyo ba, kaibigan, na kung iyo lamang susundin ang nakasulat sa Bibliya, madidiskobre mo na hindi gusto ni Yahweh na ikaw ay mag-celebrate ng Valentine’s Day?
Maaring nagulat ka. Maaring hindi ka makapaniwala sa narinig mo. Maaring sasabihin mo na gawa-gawa o imbento ko lang ito.
Naiintindihan ko kung ganyan ang reaksyon mo. Bakit hindi? Maraming Kristiyano ang nagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Ngunit, kaibigan, patuloy mo lamang na panoorin ang programa namin ngayong araw at sisiguraduhin ko sayo na magbabago ang tingin mo sa Valentine’s Day!
------------------------------------------
Panoorin ang bidyong ito sa ibang linguwahe:
English Version: youtu.be/gjg5Z87rDzM
Cebuano Version: youtu.be/HSA0cRzZ4xY