Ang Grasya ay Hindi Lisensya Upang Ikaw ay Magkasala

683 views,

BiblicalTruths TV

11,400 views

Kaibigan, alam niyo bang may isang napakapopular na turo ngayon
sa mundo ng Kristiyanismo na napakapanganib at nakakasira sa isipiritwal nating buhay?

Ang aking tinutukoy ay ang turong nagsasabing ang grasya ng Diyos ay naghihintulot para sa atin na kalimutan ang mga banal na utos ng Panginoon. Karamihan ng mga Kristiyano ngayon ay naniniwalang ang sakripisyong ginawa ni Yahshua o mas kilalang Hesus ay nagbigay daan upang ang ating mga kasalanang nakamit noon, ngayon, at sa hinaharap ay napagbayaran na. Samakatuwid, kahit anong kasalanan pa ang ating makamit sa pamamagitan ng paglabag sa batas ng Panginoon, maliligtas pa din tayo. Kung sabagay, ika nga ng karamihan, we are under grace not under the law. Ibig sabihin, hindi na tayo sumasailam sa batas ng Panginoon kundi tayo ay pumapasailalim na sa grasya.

Marahil narinig mo na ang paniniwalang ito. Baka nga, isa ka sa mga naniniwala sa turong hindi na natin kailangan ang mga utos ng ating Diyos sapagkat may grasya naman.

Sa araw na ito, kaibigan, ating suriin ang katotoohanan tungkol sa grasya ng Panginoon. Ating idiskubre ang tunay na turo ng bibliya at ating tuklasin kung ang turo at paniniwala ng karamaihan ay naayon sa kalooban ng Diyos.
------------------------------------------
Panoorin ang bidyong ito sa ibang linguwahe:
English Version: youtu.be/kWKJ7YBzi7c
Cebuano Version: youtu.be/X1jiynOwsd4

Related Videos

 /