Ano ang Katotohanan Ayon sa Bibliya?

1,882 views,

BiblicalTruths TV

11,400 views

Kaibigan, alam nyo ba kung ano ang katotohanan ayon sa Bibliya? Meron nga ba talagang tinatawag na “absolute truth” o yung katotohanan na kung saan totoo para sa lahat ng mga tao, sa bawat lugar, at sa bawat panahon o sitwasyon?

Nakakalungkot man isipin, pero, dumadami ang mga taong inaakala na ang katotohanan ay nakabase lamang sa paniniwala nila. Para sa mga taong ito, ang katotohanan ay nagbabago depende sa kanilang sitwasyon, panahon, at kultura.

Naniniwala sila na ang bawat tao ay may sariling katotohanan. Puwedeng ang katotohanan sayo ay hindi katotohanan sa akin. Para sa iba, ang paniniwala ng lahat ng tao ay pantay-pantay, kung kaya, ang katotohanan ay puwedeng magbago.

Pero, totoo nga bang walang absolute truth? Totoo nga bang ang katotohanan, kahit bagubaguhin pa ito, ay mananatili pa ding katotohanan? Totoo nga bang ang katotohanan ay nakabase lamang sa opinyon at personal na nararamdaman ng isang tao?

Iyan po ang ating tatalakayin sa episode na ito. Samahan niyo po kaming tuklasin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa katotohanan.
------------------------------------------
Panoorin ang bidyong ito sa ibang linguwahe:
English Version: youtu.be/9ADqBPdKEAQ
Cebuano Version: youtu.be/MTBJQ0gEreA

Related Videos

 /