23 July 2025 - Only By Grace Reflections
Couples for Christ
#CatholicFaith #DailyReflection #OnlyByGraceReflections #CouplesForChrist
NOTE: Please click the Subscribe key on YouTube and press the black notification bell to receive the daily reflections. Or, open in YouTube for easy access. View and Like. Thank you.
Topic: Bakit ang CFC household meeting ay mainam sa paglago ng ating pananampalataya at pamumunga? (23 July 2025 - Only By Grace Reflections)
First Reading: Exodus 16:1-5, 9-15
Responsorial Psalm: Psalm 78:18-19, 23-24, 25-26, 27-28
Gospel: Matthew 13:1-9
May iba na talagang tumubo ang pananampalataya at pakikipag-ugnayan sa Diyos subalit, matapos makaranas ng unos sa buhay at mga pagbabata at paghihirap, ay tumigil na.
Subalit mayroon din naman na nakipag-ugnayan sa Diyos, nagsumikap sa pagpapaakay at pamumuhay sa Kanya. Sa huli sila ay namumunga: marami ang nakakilala at nakaugnayan ang Diyos dahil sa pagsaksi nila.
Gayunpaman, patuloy lang ang Diyos sa pagmimilagro sa buhay nang lahat sa kanila. Maaaring paulit-ulit lang ang paglimot sa Diyos. Kahit ano pa ang nagiging reaksyon at desisyon, naririyan pa rin ang Diyos na naghahasik ng kanyang presensya.