02 July 2025 - Only By Grace Reflections

834 views,

Couples for Christ

48,300 views

#CatholicFaith #DailyReflection #OnlyByGraceReflections #CouplesForChrist

NOTE: Please click the Subscribe key on YouTube and press the black notification bell to receive the daily reflections. Or, open in YouTube for easy access. View and Like. Thank you.

Topic: Bakit nga kaya – Ikaw na ang gumawa ng mabuti, ikaw pa ang napasama? (2 July 2025 - Only By Grace Reflections)

First Reading: Genesis 21:5, 8-20a
Responsorial Psalm: Psalm 34:7-8, 10-11, 12-13
Alleluia: James 1:18
Gospel: Matthew 8:28-34

May kaparaanan ang ating Tagapagligtas sa pagliligtas. Hindi tayo ang mayhawak sa yaon. Ang Panginoong lang; tanging Siya lang. Kung dapat na mas pahalagahan natin ang buhay ng tao kaysa kayamanan, dahil yaon ang Kanyang kaparaanan, dapat natin itong tanggapin nang lubusan. Kung dapat na mapalayas ang lahat ng demonyo sa ating pamumuhay, kahit ano pa ang maapektuhan, dahil yaon ang Kanyang kaparaanan, dapat natin itong yakapin at ipagpasalamat.

Alalahanin natin na sa huli nga po, hindi lamang kabuhayan ang naisakripisyo: ang sakripisyo ay buhay mismo ni Hesus na nagpapako sa krus para maipahayag ang Kanyang pagmamahal sa atin at tayo ay maligtas.

Brothers and sisters, sa ating buhay, hanggat maari, hindi dapat manatili ni katiting na kademonyohan. Kahit ano na ang dapat nating ipaubaya, huwag lamang matigil ang paglapit natin sa Diyos.

Related Videos

 /