Panalangin para sa mas magandang Pilipinas (Election)
Prayer Works Ph
PANALANGIN PARA SA MAS MAGANDANG PILIPINAS
Diyos na makapangyarihan sa lahat,
Nananalangin kami sa Iyo, mula sa aming puso. Dahil Ikaw ay tapat at nakikinig sa aming panalangin.
(1) Inaamin ko ang aking mga kasalanan
(2) Inaamin namin ang aming mga kasalanan.
(3) Hangad namin ang Iyong awa, ngunit ipinagdiriwang namin ang Iyong kapatawaran.
(4) Kayo na po ang manguna sa aming bansa
(5) Kayo po ang magbigay sa amin ng mga pinuno na may sapat na kakayanan na maglingkod sa bayan.
O AMING AMA NA NASA LANGIT,
Ikaw and Hari ng mga hari, Panginoon ng mga panginoon.
Pinagpapala Niyo ang bansang sa Inyo ay sumasamba at sumusunod sa Inyong mga utos.
O Diyos kaawaan po Ninyo ang aming bansang Pilipinas.
Kailangan ka namin Ama. Kayo po ang aming kalakasan sa bawat araw. Kayo ang aming kapahingahan sa oras ng kapaguran.
Ayon sa Iyong salita, kung aaminin po namin ang aming mga kasalanan, Kayo ay tapat at matuwid upang patawarin kami at linisin sa aming mga kasalanan.
O Diyos, surrin mo ang aming mga puso at turuan kaming talikuran ang aming mga kasalanan.
Panginoon, nais namin na mamuhay ng may katuwiran, ngunit magsisimula lamang ito o Diyos kung kami ay tatalikod sa kurapsiyon, pagkagahaman, mga alituntuning labag sa Iyong kalooban, pagyakap sa kasinungalingan, maging sa pagsang ayon sa kaguluhan.
Turuan mo kami o Diyos na tumindig sa katuwiran at sa kapayapaan. Turuan mo kaming magpakumbaba, patuloy na manalangin upang patawarin ang aming mga kasalanan, at pagalingin ang aming bansa.
Nagnananais po kami na ang pagsisisi ay ipamuhay ng bawat iglesia, pamayanan at buong bayan.
Habang papalapit na po ang eleksiyon, imulat Niyo po ang aming mga mata. Bigyan kami ng karunungang piliin ang mga pinuno na may pusong maglingkod sa aming bayan.
Huwag Niyo po ipahintulot na kami ay pamunuan ng gaya ni Saul. Makasarili at puno ng panlilinlang at nililipat ang responsibilidad sa iba.
Panginoon bigyan Niyo kami ng pinuno na gaya ni David, "a man after your own heart". Nawa ang aming pinuno ay mayroong integridad at kakayanan na ang aming bansa ay maging magiting muli.
Kagaya ni David, noong siya ay nagkasala, siya ay nagpakumbaba, inako ang kasalanan, at nagpasakop sa kamay ng ating Panginoon.
O Diyos, pagpalain Niyo po kami at bigyan ng mamumuno tulad ni Nehemias, Jose, at Daniel.
Mga pinuno na may takot sa Inyo, puno ng katuwiran, magiting, kaaya-aya at may tunay na pusong maglingkod.
Dalangin namin ang nakasaad sa Iyong salita, "Pinagpala ang Bansa na ang kanilang Diyos ay ang Panginoon"
Sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus, at sa tulong ng banal na Espiritu, hipuin Niyo ang aming bansa at hubugin kami sa Inyong kalooban.
Ipahintulot po Ninyo na maitaas namin ang Inyong pangalan sa aming bansa, upang matawag kami na bansang Inyong hinirang.
Sa Pangalan ni Hesus, Amen.
PANALANGIN PARA SA MAS MAGANDANG PILIPINAS
1. Inaamin ko ang aking mga kasalanan
2. Inaamin namin ang aming mga kasalanan
3. Hangad namin ang Iyong awa at ipinagdiriwang namin ang Iyong kapatawaran.
4. Manguna ka sa aming bansa
5. Biyayaan kami ng pinuno na may kakayanang maglingkod sa bayan
===
No copyright infringement intended
We do not own nor claim to own any pf the photos, clips, music in the video.
Credits due to the rightful owner