Tagalog Christian Music Video | "Sundin ang mga Salita ng Diyos at Hindi Ka Maliligaw"

228,563 views,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

243,000 views

Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad. Messenger: shurl.me/TLMessenger

Tagalog Christian Music Video | "Sundin ang mga Salita ng Diyos at Hindi Ka Maliligaw"

I
Umaasa ang Diyos na makakaya niyong
kumain at uminom nang mag-isa,
at laging mabubuhay sa liwanag ng presensya Niya,
at sa pamumuhay niyo, huwag talikuran ang mga salita ng Diyos;
saka lang kayo mapupuspos ng mga salita Niya.
Sa bawat gawa't salita mo,
ang mga salita Niya ay siguradong gagabay sa iyo pasulong.
Kung tunay kang lalapit sa Diyos sa gan'tong antas,
lagi mong makakausap ang Diyos sa tuwina,
walang ginagawa mo ang hahantong sa kalituhan
o iiwanan kang 'di alam ang gagawin.
Siguradong makakatabi mo ang Diyos,
makakakilos ayon sa mga salita Niya.
Siguradong makakatabi mo ang Diyos,
makakakilos ayon sa mga salita Niya.

II
Sa bawat tao't bagay na nakakaharap mo,
ang mga salita ng Diyos ay magpapakita sa 'yo anumang oras,
ginagabayan kang kumilos ayon sa kalooban Niya.
Gawin ang lahat ayon sa salita ng Diyos,
at aakayin ka Niya nang pasulong sa bawat kilos mo;
'di ka kailanman maliligaw,
at magagawa mong mamuhay sa bagong liwanag,
nang may higit at mas bagong mga kaliwanagan.
'Di mo magagamit ang mga kuru-kuro ng tao para pag-isipang mabuti ang dapat gawin;
magpasakop dapat sa paggabay ng mga salita ng Diyos,
magkaroon ng malinaw na isip,
maging tahimik sa harapan ng Diyos, at magbulay-bulay pa.
'Wag mag-alalang hanapin ang solusyon sa mga 'di maunawaang bagay;
dalhin ang gayong mga bagay sa Diyos nang mas madalas,
at mag-alay ng tapat na puso.

III
Maniwala na ang Diyos ang iyong makapangyarihan!
Dapat kang maghangad nang malaki para sa Diyos,
sabik na naghahangad
habang tumatanggi sa mga pagdadahilan, layunin, at panloloko ni Satanas.
Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag manghina.
Maghangad nang buong puso; maghintay nang buong puso.
Aktibong makipagtulungan sa Diyos,
at alisin ang nasa kalooban mong humahadlang sa 'yo.
Maniwala na ang Diyos ang iyong makapangyarihan!
Dapat kang maghangad nang malaki para sa Diyos,
sabik na naghahangad
habang tumatanggi sa mga pagdadahilan, layunin, at panloloko ni Satanas.
Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag manghina.
Maghangad nang buong puso; maghintay nang buong puso.
Aktibong makipagtulungan sa Diyos,
at alisin ang nasa kalooban mong humahadlang sa 'yo.
Aktibong makipagtulungan sa Diyos,
at alisin ang nasa kalooban mong humahadlang sa 'yo.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Related Videos

 /