Sino o Ano ang Iyong Diyos?

324 views,

BiblicalTruths TV

11,400 views

Kaibigan, may importanteng tanong ako sayo: sino o ano ang iyong diyos?
Kung ikaw ay isang Kristiyano, ang mabilis mong sagot ay siyempre, ang Panginoon nating nasa langit. Ngunit, totoo nga bang ang tunay na Diyos ang iyong Panginoon?
Dapat nating maintindihan na ang "diyos" ay anumang tao o bagay na iyong mahal, pinagsisilbihan, at sinasamba higit pa sa lahat. Para sa ilan, mismong sarili nila ang kanilang diyos.
Hindi sila naniniwala sa isang banal na lumalang, ang Kataastaasang Diyos na tinatawag natin na "Diyos."
Sa kabilang banda, mayroon namang mga taong naniniwala na may Diyos pero ang paniniwalang ito ay hindi mo makikita sa kanilang buhay.
Kaya, nais kong ulitin ang tanong na ito, sino o ano ang iyong diyos? Halina’t samahan mo kami sa pambihirang episode na ito.
------------------------------------------
Panoorin ang bidyong ito sa ibang linguwahe:
English Version: youtu.be/TD2g16wPjKM
Cebuano Version: youtu.be/ylh7Ix52aPw

Related Videos

 /