Ibigay ang Kaya | Homily for the 17th Sunday in Ordinary Time (B)
Sa Madaling Sabi
Ibigay ang Kaya
Madalas na pinag-uusapan kapag may panawagan sa pagbibigay, “magkano ba ang dapat ibigay?” Ang sabi ng ilan, ibigay daw kung ano ang maluwag sa iyo. Pero talaga bang ito ang gusto ng Panginoon? Ang ibigay kung ano lang ang maluwag sa atin o kung ano yung ibinubunsod ng pag-ibig natin? Bakit sasabihin ng Panginoon na kailangan nating “pasanin ang Krus” at “ialay ang buhay” kung sa pagbibigay pala ang pamantayan ay kaginhawaang pansarili? Sana’y natuto tayo mula sa mga pagninilay natin sa mabuting balita nitong mga nakaraang Linggo kung paanong ibinigay ni Hesus ang kanyang buong sarili kahit makaranas siya ng panghahamak ng iba. Sana’y makita natin ang landas na itinuturo niya sa kanyang mga alagad, na hindi maginhawa subalit ang Panginoon ang maituturing na “pahinga”.
Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) | 28 Hulyo 2024
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoain Church
2 Hari 4, 42-44
Salmo 144, 10-11. 15-16. 17-18
Pinakakain mong tunay
kaming lahat, O Maykapal.
Efeso 4, 1-6
Juan 6, 1-15
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | www.instagram.com/samadalings...
Twitter | twitter.com/broknight07
Tiktok | www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#17thSundayInOrdinaryTime
#SundayHomily