12 EXPECTATIONS NA NAKAKAPANGHINA SA 'YO | JSB HEARTENING


May mga araw na pakiramdam mo ay may kulang sa 'yo. May mga araw din na nagi-guilty ka dahil hindi tama yung mga pinipili mo sa buhay. Minsan nalulungkot ka dahil negatibo ang pag-iisip mo. Sa totoo lang, walang kulang sa 'yo. Walang mali sa 'yo. Sapat ka na. Naiisip mo lang hindi ka enough dahil may mga expectations ka na hindi mo naman maaabot. Para bang nag-iilusyon ka lang. Pilit mong tinataasan ang expectations mo. Mataas rin ang expectations ng lipunan sa atin. At hindi natin maaabot 'yon. Sabi nila, dapat perpekto ang hitsura mo, perpekto ang body figure mo, dapat perpekto kang magulang, dapat perpekto kang empleyado, perpekto kang anak. Pero hindi natin maaabot 'yon. Napaka-imposibleng makamit ang inaasahan nila sa atin. 'Yan ang rason kung bakit tayo rin ay madaling makaramdam ng negatibong emosyon. Kapag hindi natin maabot ang expectations nila o ang expectations natin, iniisip na rin natin na wala tayong kwenta.

READ THE TRANSCRIPT HERE: https://rb.gy/4aof1

Show More

=== Music used
Dream Bird - Beautiful Piano Music - Royalty Free
Link: https://youtu.be/crt02H-_TFg

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press