16 April 2025 - Only By Grace Reflections


#OnlyByGraceReflections #CFC #CouplesforChrist

NOTE: Please click the Subscribe key on YouTube and press the black notification bell to receive the daily reflections. Or, open in YouTube for easy access. View and Like. Thank you.

Show More

Topic: Paanong naging mabuting balita ang mga nakalulungkot na pagbasa ngayong Mahal na Araw?

First Reading: Isaiah 50: 4-9a
Responsorial Psalm: Psalms 69: 8-10, 21-22, 31 and 33-34
Gospel: Matthew 26: 14-25

Paanong maituturing na ang kwento ng pagkakanulo ay “Mabuting Balita”? Mga kapatid, habang binabasa natin ang anumang kataga o eksena sa Biblia at dama natin ang ibinabahagi nito, laging tandaan na ang dulo nito ay ang Muling Pagkabuhay ni Hesus, ang pagtatagumpay ng Kanyang Pagmamahal, at ang pagsisimula muli ng Kanyang mga iniligtas para ibahagi at ipamalita na si Hesus ay buhay.

Si Hesus ay Panginoon, nagtagumpay si Hesus sa Kanyang pagliligtas sa ating lahat, dahil sa nag-aalab Niyang pag-ibig sa atin. Kung ang simula ay ganitong klase ng pananampalataya, ang lahat ng ginawa Niya, at naranasan Niya at sinabi Niya at tagubilin Niya, ang lahat ng ito ay Mabuting Balita. May kahulugan ang lahat ng nangyari; may pinagmulan at patutunguhan – pag-ibig.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press