19 March 2025 - Only By Grace Reflections


#OnlyByGraceReflections #CFC #CouplesforChrist #SanJoseEsposoNiMaria

NOTE: Please click the Subscribe key on YouTube and press the black notification bell to receive the daily reflections. Or, open in YouTube for easy access. View and Like. Thank you.

Show More

TOPIC: KANINO PO KAYO NAGMANA?

First Reading: Second Samuel 7: 4-5a, 12-14a, 16
Responsorial Psalm: Psalms 89: 2-3, 4-5, 27 and 29
Second Reading: Romans 4: 13, 16-18, 22
Verse Before the Gospel: Psalms 84: 5
Gospel: Matthew 1: 16, 18-21, 24 or Luke 2: 41-51a

Naalala ko ang kanta ng batikang songwriter na si Gary Granada:

“Mana-mana lang yan, mana-mana lang ‘yan
Kamukha ng kopya ang pinagkopyahan,,,
…Mana-mana lang yan mana-mana lang yan
Ang supling singgaling ng pinanggalingan
Mana-mana lang yan mana-mana lang yan.”

Natural naman po kasi talagang “mana-mana” lang yan. Hindi ito maiiwasan. Una, may mga pisikal na katangian na talaga namang namamana. Pero ang mas importanteng pagtuunan ng pansin ay ang “namamanang” asal, gawi, at ugali dahil naman sa pagsasalin at pagtuturo nito sa anak sa araw-araw na pamumuhay. Alam naman natin na ang mga magulang ang dapat na maging unang guro ng mga bata.

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas, Article II, Section 12, “Ang likas at pangunahing karapatan at tungkulin ng mga magulang sa pagmumulat ng kabataan para sa kahusayang sibiko at pagpapaunlad ng karakter na moral ay dapat tumanggap ng tangkilik ng Pamahalaan.” (The natural and primary right and duty of parents in the rearing of the youth for civic efficiency and the development of moral character shall receive the support of the Government.)

Mahalagang prinsipyo po ito. Mayroon kasi sa magulang na wala sa iba ⏤ wala sa sinuman sa lipunan ⏤ na siyang basihan ng karapatan at tungkulin ng magulang na turuan ang anak: ito ay ang pagmamahal ng magulang sa anak. Sa pamilya, wala na halos hihigit pa sa pagmamahal ng mga magulang sa kanilang anak.

Para sa mga ama, ang modelo ay si San Jose. Sa kanyang kapistahan ngayong araw na

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press