21 May 2025 - Only By Grace Reflections
#OnlyByGraceReflections #CFC #CouplesforChrist
NOTE: Please click the Subscribe key on YouTube and press the black notification bell to receive the daily reflections. Or, open in YouTube for easy access. View and Like. Thank you.
Show More
Topic: Tayo po ba ay mga “pinutol” na sanga o “pinuputulang” sanga? (21 May 2025 - Only By Grace Reflections)
First Reading: Acts 15: 1-6
Responsorial Psalm: Psalms 122: 1-2, 3-4ab, 4cd-5
Alleluia: John 15: 4a, 5b
Gospel: John 15: 1-8
Ang sangang hindi namumunga ay pinuputol (taken away) at ang sangang namumunga naman ay pinuputulan (pruned) at nililinisan, para lalong magbunga. Ang pinuputulan at nililinisan ay tinuturuan ng Diyos kung paano magmahal—magmahal nang tulad Niya: buong puso, malaya, namumunga.
Tayo po ba? Ano ang naisin natin – maging sangang hindi namumunga o maging sangang sagana ang bunga? Nakapagdesisyon na ba po tayo kung tayo kung hahayaan nating na tayo ay maging “pinutol” na sanga o nanaisin pa rin natin na maging “pinuputulang” sanga?
Sa sobra Niyang pagmamahal sa atin, ayaw Niya tayong mamunga lang na kahit paano at kahit kaunti; ang nais Niya ay tayo ay “mamunga ng sagana”. Ang layon niya ay tayo ay magkaroon ng buhay at isang buhay na ganap at sagana.











