25th SACERDOTAL ANNIVERSARY OF FR. JADE LICUANAN | HIGHLIGHT VIDEO | QUIAPO CHURCH


Quiapo Church

1,058 views

πŸπŸ“π­π‘ π’π€π‚π„π‘πƒπŽπ“π€π‹ π€πππˆπ•π„π‘π’π€π‘π˜ πŽπ… 𝐅𝐑. 𝐉𝐀𝐃𝐄 π‹πˆπ‚π”π€ππ€π | π‡πˆπ†π‡π‹πˆπ†π‡π“ π•πˆπƒπ„πŽ

Bilang pasasalamat sa Diyos sa biyaya ng bokasyon sa pagpapari, nag-alay ng Banal na Misa para sa pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo sa pagka-pari ni Rdo. Pd. Ramon Jade Licuanan. Kasama niya rin ang mga paring kasabay niya sa ordinasyon na sina Rdo. Pd Benjamin Calsado, Rdo. Pd. Elpidio Erlano Jr., Rdo. Pd. Regulo Lozano, Rdo. Pd. Hector CaΓ±on, Rdo. Pd. Garry Fuentebella, Rdo. Pd. Jaime Marquez, at Rdo. Pd. Frederick Simon.

Show More

Pinamunuan ng Kanyang Kabunyian, Jose F. Cardinal Advincula, Arsobispo ng Maynila ang Banal na Misa. Kabilang rin sa mga nakipagdiwang ay ang Lub. Kgg. Rufino "Jun" Sescon Jr., D.D., Obispo ng Diyosesis ng Balanga at si Lub. Kgg. Teodoro Bacani, D.D. Si Lub. Kgg. Socrates Villegas, D.D., Arsobispo ng Lingayen-Dagupan naman ang nagbahagi ng Homiliya.

Pina-alalahanan niya na ang pari ay isang anghel, tagapaghatid ng mabuting balita. Ang pari ay tagapagpahayag ng salita ng Panginoon. Gumagabay at umaakay patungo sa kabutihan at kadalisayan.

#MBNSJN #QuiapoChurch #JesusNazareno #Pari #ArchdioceseOfManila #CatholicChurch #FrJadeLicuanan #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno #Sacerdotal

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press