3 Desisyon na Magbabago ng Iyong Kinabukasan.


Ang buhay ay resulta ng dugtong dugtong na mga choices natin araw-araw. Araw araw ay meron tayong pinipili. May mga decision tayo na nagresulta ng pagpapala. May mga desisyon naman na nag resulta rin ng kapahamakan. Kaya nga alalahanin natin na ang ating mga choices ay magre-resulta kung ano magiging future natin, kung saang direksyon tayo mapupunta, kung anong habit ang madedevelop sa atin at kung ano yung destiny na mangyayari sa atin. Ang choices natin ay magde-determine din kung saan tayo mapupunta sa susunod na buhay. Alalahanin mo ito kaibigan Binigyan tayo ng Diyos ng free will. Binigyan niya tayo ng kapangyarihan na mamili. Kaya nga ang matutunan kung paano mamili ng tama, kung paano gumawa ng choice, at kung ano yung mga importanteng pipiliin, ay ang pinakamahalagang karunungan na dapat nating pinagsisikapang makuha. Na-realize ko sa dinami dami ng mga choices natin sa buhay, merong isang choice na mag reresulta ng pang walang hanggan na consequence. Ito ay magdedepende sa kung ano ang choice na pipiliin natin. Pipiliin ba natin na kilalanin ang Diyos o pipiliin nating balewalain ang Diyos.

sabi sa Mga Kawikaan 28:26 MBB
26 Ang nagtitiwala sa sariling kakayahan ay mangmang,
ngunit ang sumusunod sa magandang payo ay malayo sa kapahamakan.

Show More

Kaibigan merong magandang plano ang Diyos para sa iyo kaya lang ay hindi Niya ito magagawa para sa buhay mo kung pipiliin mong hindi Siya isama sa mga desisyon mo. Kung patuloy kang magtitiwala sa sariling kakayahan at hindi mo pipiliin ang Kanyang gabay sa lahat ng area ng iyung buhay ay hindi mo matutupad ang magandang destiny na nakaplano para sana sa iyo.

sabi sa Salmo 139:16 ASD
16 Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang.
Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.

Kaibigan hindi ka pa sinisilang ay nakatakda na ang plano ng Diyos para sa iyo. Hindi pa nangyayari ang ilang bagay sa iyong araw ay nakasulat na ito sa aklat ng Diyos.

Ang buhay natin dito sa

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press