3 Kasangkapan na ginagamit ng Diyos para sa pagbabago ng sarili
Natural sa ating mga tao ang nagpapaganda ng mga bagaybagay halimbawa ang ating bahay gusto natin itong ayusin at pagandahin taontaon. Pinturahan, bilan ng bagong kortina ibahin ang theme ng bahay taontaon. Ang kotse o motor gusto natin pagandahin. Lagyan ng stereo na maganda speaker na malakas. Gulong na mas malaki. O kaya ang ating cellphone ay gusto natin itong bilan ng bagong case. At kapag bumili tayo hindi lang isa kung hindi lahat ng kulay na avaiblae. Tapos hindi lang yun pati tayo gusto natin physically maimprove - magpapahid ka ng ka ng pamputi, iinom ka ng gamot na pampayat o kaya pupunta sa gym magpapalaki ng katawan. Tapos bibili tayo ng damit at sapatos, alahas, pabango at iba pa. At Pagdating naman sa pagaaral may mga tao na talaga namang subsob sa pgaaral at talagang pinagbubuti nya ito, pinapaunlad nya ang kanyang memory, dinisiplina ang sarili sa lahat ng bagay gaya din ng mga atleta na talagang matindi ang pagpapaunlad na ginagawa sa sarili - pinapaunlad nila ang kanilang stamina, pinapaunlad ang kanilang lakas, pinapalakas ang kanilang nalalaman sa laro.
Narealized ko na napakaganda ng mga pagpapaunlad na ito sa sarili kaya lang kadalasan ang isang tao ay sa dami ng gusto nyang paunlarin ay meron syang nakakaligtaan at ang nakakaligtaan nya palaguin ay yun pa ang pinakaimportante ano ito - nakakaligtaan nya palaguin ang ang kanyang character. Nakakaligtaan nya paluguin ang kanyang puso, nakakaligtaan nya paunlarin ang kanyang panloob. Bakit? Kasi ang focus natin lagi ay ang panlabas na anyo. Nakakaligtaan natin palaguin ang bagay na tintingnan ng Diyos bakit? Kasi ang focus natin ay mga bagay na tinitignan ng mga tao. Mga bagay na magpapataas ng tingin sa atin, mga bagay na ikatataas ng ating estado. Gusto nating pinupuri, gusto nating tinataas ng mga tao. Naka focus tayo sa mga bagay na hahangaan sa atin ng pero sa bagay na hahangaan sa atin ng Diyos ay hindi natin mas pinapahalagahan.
Show More
Sabi sa 1 Samuel 16:7 MBB05
“Ngunit sinabi sa kanya ni











