3 Mahalagang bagay para maingatan mo ang iyung puso
Naranasan mo na ba na makagawa ng bagay na pinagsisihan mo? Alam mo ang tamang gawin at talaga namang nagsisikap ka na sumunod sa kalooban ng Diyos pero bakit may mga pagkakataong na meron kang nagagawa na hindi mo naman pinagpalanuhang gawin. Maaaring ikaw ay nahulog sa isang sexual immorality na wala ka namang talagang instensyon na gawin kaya lang ay sobrang bilis ng pangyayari at mas nanaig ang pagnanasa ng laman kaysa sa pagnanais mo na sundin ang kalooban ng Diyos. O kaya naman ay hindi mo napigilan ang iyung bibig. Sinabi mo lahat ng masasakit na salita na gusto mong sabihin kaya lang ay narealized mo pagkatapos - naku bakit ko ba nasabi yun? Bakit ko ba nagawa ang bagay na iyun. Nasira tuloy ang ang relasyon namin. Yung pinagpaguran ko ng magtagal na panahon para sa aking pamilya ay nauwi sa wala dahil lang sa hindi ako nagingat sa aking desisyon. O kaya natukso kang gawin ang isang bagay sa trabaho o sa iyung negosyo dahil sa iyung pangangailangan. Kaya lang ay humantong ito sa pagkatanggal sayo sa trabaho o pagkalugi ng iyung negosyo. At dahil dito ay apektado ang iyung mga mahal sa buhay, naapektuhan din ang iyong ministry, naapektuhan din ang iyung testimony, at higit sa lahat ay naapektuhan ang iyung relasyon sa Diyos. Natealized ko na pwede nating piliin na wag sumunod sa Diyos pero hindi natin mapipili ang consequence o kahahantungan ng maling desisyon. Kaya nga ito ang paguusapan natin kung paano ba babantayan ang ating puso upang hindi tayo makagawa ng mga bagay na magdudulot sa atin ng kapahamakan. Marahil tinatanung mo ano naman ang kinalaman ng puso sa aking mga maling desisyon? Malaki kaibigan
Sabi ng pinakamatalinong tao na nabuhay si Solomon. Marami syang sinulat sa Bible patungkol sa pera, relasyon, negosyo, trabaho, at nagsulat din sya patungkol sa mga bagay na walang saysay sa buhay at marami pang ibang wisdom na hanggang ngayun ay nagagamit natin.
Show More
Sabi nya sa Proverbs 4:23 NIV
“Above all else,...”
Parang sinasabi nya na sa lahat ng











