3 Malaking Pakinabang sa Pagkabuhay na Muli ng Panginoong Hesus


Naniniwala ka ba na ang mundo natin ay punongpuno ng mga nasasaktan na tao? Mula sa mga nabiktima ng bagyo, lindol, gera, terorismo, pagkasira ng pamilya, nawalan ng mahal sa buhay, nawalan ng negosyo o hanapbuhay dahil sa pandemic, nabaon sa utang dahil sa nabiktima ng scammer, at marami pang iba. At dahil dito minsan tinatanung mo kung meron pa ba pagasang bumuti ang ating mundo? Narealized ko na dahil dito sa mga pangyayari na ito na wala naman tayong kontrol ay nagdudulot ito sa atin ng maling pagtugon gaya ng kalungkutan, galit, takot at iba pang emosyon.

Pero alam mo ba na sa gitna ng mga nakakalungkot na pangyayari ay merong magandang balita ng pagasa na totoo at buhay. Hindi ito fake news. Alam ng Diyos na kailangan natin ng pagasa kaya pinuno Niya ng pangako ng pagasa ang Kanyang Salita. Pinuno Niya din ito ng mga kwento ng mga taong nakatanggap din ng pagasa sa gitna ng panganib at kahirapan upang pag nakita natin ang kanilang buhay ay maging kalakasan naman sa atin.

Show More

At sa mga kwento na ito na nasa Bible ay ang isang pinakamaganda at pinakamalaking halimbawa ng pagasa o hope ay ang pagkabuhay na muli ng Panginoong Hesus. Narealized ko na kung hindi Siya nabuhay muli ay ang lahat ng pangako Niya sa Bible ay mahirap na paniwalaan.

Sabi ni Pablo sa 1 Corinto 15:13-14 ASND

“Kung totoong walang muling pagkabuhay, nangangahulugan na maging si Cristo ay hindi rin muling nabuhay. At kung si Cristoʼy hindi muling nabuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral, at wala ring silbi ang inyong pananampalataya.”
Sabi dito ay kung walang muling pagkabuhay ay ang ating pananampalataya ay walang saysay. Ang ating pagsimba at pananalangin ay walang silbi. Bakit? Kasi hindi naman pala nabuhay ang Panginoong Hesus at kung hindi totoo ang sinabi Niya ay malamang lahat ng tinuro at pinangako Niya sa na nakasulat sa Bible ay hindi din totoo. At kapag hindi nangyari ang pagkabuhay na muli alam mo ang magiging pananaw natin ay ang Kristyanismo pala ay patungkol lang sa

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press