3 Masamang Epekto ng Maling Desisyon at Ano ang gagawin mo upang makabangon
Alam mo ba na ang buhay ay patungkol sa paggawa ng desisyon. Arawaraw ay kailangan mo nito. May maliliit na desisyon na parang wala namang consequence kung ikaw ay nagkamali. Halimbawa - Saan ba ako kakain ng almusal? Ano ba ang gagamitin kong sasakyan ngayun? Maggugugol ba ako ng time sa aking mga anak o manonood nalang ako ng tv? Magsusuot ba ako pantalon o mini skirt? Tapos may mga desisyon naman na mas komplikado at nakakaapekto ng malaki sa buhay. Halimbawa - Magre-resign ba ako sa aking trabaho para ma-home school ko ang aking mga anak o hindi? Magdadagdag pa ba kami ng anak o hindi na? Nakatanggap ako ng malaking pera saan ko ba ito gagamitin? Pambayad sa utang, ilalagay sa savings o ii-invest ko sa isang negosyo. Iiwasan ko na ba totally ang aking kaibigan na nakasakit sa akin o makikipagusap ako sa kanya upang maayos ang aming relasyon. Hihiwalayan ko na ba ang aking asawa at mag-giveup na sa aming marriage o susunod ako sa Panginoon na ayusin ang aming relasyon. Iinom ba ako at magpapakalasing at magda-drive pauwi? Tatanggapin ko ba ang alok sa akin pero magreresulta naman ito ng aking pagloloko sa aking asawa? Titikman ko ba ang sigarilyo na ito o ang droga na ito for the first time o hindi?
Narealized ko na may mga desisyon na nakakapagpabago ng buhay at may desisyon na nakakasira din naman ng buhay.
Show More
Kaibigan gaano karami ang kilala mong tao na nagkamali ng desisyon na ikinasira ng kanilang buhay?
Gaano karami ang kilala mo na nagkaron sya ng pagpipilian pero mas pinili nya ang mali at ang naging resulta ay pagsisisi bandang huli. At sa kabaligtaran naman ay may kilala ka bang tao na gumawa ng mabuti at tamang desisyon sa buhay? Ano ang kaibahan ng buhay nung taong palagi nalang pinipili ang mali at nung taong mas madalas ay pinipili ang tama?
Narealized ko lahat tayo ay nagkakamali at walang excemption. Kaya lang ang nagiging problema ay minsan ayaw na nating sumubok ulit kapag nabigo. Sinasabi mo sa sarili na ako naman ang may kasalanan kung bakit











