3 Pananampalataya na nakakapag-pagaling, nakaka-pagligtas at nagbibigay ng ngiti sa Diyos.


Naitanong mo na ba sa sarili kung paano ba isasabuhay ang pananampalataya? Ang pananampalataya ba ay patungkol sa mga ritual na ginagawa pag linggo. Ang pananamapalataya ba ay patungkol sa seremonya o programa pag nagsisimba? Ito ba ay patungkol sa penetensya pag mahal na araw? Maaaring naitatanung mo sa sarili naniniwala naman ako sa Diyos pero bakit ang layo Niya sa akin at wala akong pagnanasa na makilala Siya. Kung totoo Siya bakit hindi ko nararanasan ang kapangyarihan Niya patungkol sa aking pagbabago, bakit hindi ako nakakatanggap ng direksyon mula sa Kanya hindi ko Siya marinig sa buhay ko patungkol sa layunin Niya sa akin.

Bakit pag may problema ay ang bilis ko manghina sa aking pananampalataya? Bakit pag may panganib o problema ay madali akong matakot ano ang kulang sa akin? Marahil tinatanong mo din kaibigan kung ito bang aking pananampalataya ay nagbibigay ng ngiti sa Diyos?

Show More

Kaibigan marapat siguro suriin mo ang iyung pananampalataya. Ang pananampalataya mo ba ay ay parang reserba na gulong sa iyung sasakyan. Na pag may emergency ay doon mo lang gagamitin?

O kaya ang pananampaltaya mo ba ay parang kariton na kailangan mo itulak ng itulak para umandar. Kailangan na laging paaalalahan at kumbinsihin na unahin ang Diyos sa iyung buhay. Kaibigan Ganito ba ang pananampalataya mo?

O kaya ang pananampalataya mo ba ay parang menu sa restaurant pinipili mo lang ang gusto mong putahe o gusto mong paniwalaan - pag magiging convenient sayo ay ok lang susunod ka sa Diyos pero pag hindi ay wag nalang.

O kaya ang pananampalataya mo ba ay parang sunblock o cream sa mukha. Pakontikonti lang ang pahid. Hindi pwedeng ibigay ang 100%. Walang commitment. Basta may bahid ng konting pananamapalataya. Ok na yun at least magsimba. Basta matawag lang na Kristyano o mapabilang sa isang relihiyon ok na yun.

Kaibigan hindi ko alam kung anong klase ang pananampalataya mo pero kahit ano pa dito sa nabanggit ko ang pananamapalataya mo ay wala itong magiging value sayo kapag

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press