3 Paraan para ka makakalakad sa ibabaw ng tubig. ( Walk on water)


Meron bang pinapagawa ang Diyos sayo na sa tingin mo ay parang imposible at natatakot kang sumunod. Maaaring ito ay may kinalaman sa relasyon mo sa iyung asawa, anak, magulang, katrabaho at kaibigan. O kaya natatakot kang sumunod kasi nai-insecure ka maaaring ito ay patungkol sa iyung trabaho o ministry. O kaya natatakot ka sumunod kasi yung pinapagawa sayo ng Diyos ay may kinalaman sa pinansyal. Maaaring desisyon sa negosyo o trabaho na pinagpipilian mo at naiisip mo na magiging inconvenience para sayo ang sumunod sa direksyon ng Diyos.

Lord imposible ito ayoko sumunod. O kaya merong bagay na alam mong hindi kalooban ng Diyos at gusto Niyang isuko mo ito at magtiwala ka sa Kanya kaya lang ay nagaalala ka mawawala ang kaligayahan mo. O kaya naman ay nasa gitna ka ng bagyo ng buhay at naiiisip mo na hindi praktikal na maglingkod sa Diyos kasi ang laki ng problema at kailangan mo muna itong asikasuhin. O kaya sumuko ka na sa buhay at ayaw mo ng mangarap ang gusto mo nalang ay maka-survive at dumaan lang ang araw. Kaya ito kumakawag ka lang sa tubig at nagpapalutang sa paglangoy kaya lang kaibigan ay hindi ka naka-design para lang lumutang kung hindi sa kapangyarihan ng Diyos ay gusto ka Niyang lumakad sa tubig.

Show More

Kaibigan ito ang paguusapan natin - how to walk on water - paano mo mapagtatagumpayan ang takot at pagdududa upang makalakad ka sa ibabaw ng tubig ng may pananamapalataya sa Diyos. Sinosino ba ang mga water walkers na nasa Biblia na pwedeng magbigay sa atin ng kalakasan ng loob. Tapusin mo ang mensahe na ito upang lumago ang pagtitiwala mo sa Diyos, matupad mo ang layunin Niya sa buhay mo at maging isang mabuting asawa ka, mabuting anak, mabuting magulang, boss, manggagawa sa kaharian ng Diyos at iba pa. Na ma-enjoy mo ang lahat ng hinanda ng Diyos para sayo.

Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Message Script: https://bit.ly/WalkOnWaterScript

BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press