3 Paraan Upang Ikaw Ay Magbunga ng Marami sa Panginoon.


Kaibigan nararamdaman mo ba na parang paulit-ulit lang ang ginagawa mo sa iyong spiritual Journey? paikot ikot ka lang na ginagawa ang isang bagay, paulit-ulit pero nandun ka pa rin sa dati mong kalagayan. Simula nung nakilala mo ang panginoong Hesus hanggang lumipas ang maraming taon ay walang nangyaring pagbabago sa iyo.

Parang isang puno na naaarawan naman, nauulanan pero walang bunga. Kung meron man maliit at kakaunti at kadalasan bago mapakinabangan ay nabubulok na. Na realize ko na kung paano ang isang halaman o puno ay nangangailangan ng patuloy na pagbibigay ng tamang nutrients, proteksyon sa peste, at patuloy na pag-aalaga upang mamunga ay ganun din naman ang ating buhay espirituwal meron tayong mga bagay na kailangan nating gawin upang magkaroon tayo ng bunga. Hindi sapat na tayo ay nakadikit lang sa isang puno kung hindi bilang sanga ay kailangan nating magkaroon ng bunga kasi kung hindi ay mahihirapan tayong matutong magmahal, magpakumbaba, maglingkod, sumunod sa Diyos at iba pa. Halimbawa sa ating buhay hindi madali maging Kristiyano masasaktan ka nami-misinterpret ka, at mare-reject pero sa kabila nito ay kailangan mo pa ring mahalin ang mga taong naka-offend sayo kagaya ng ginawa ng panginoong Hesus sa mga taong nanakit sa Kanya.

Show More

Imagine-in mo kung ang lahat ng Alagad ng panginoong Hesus ay magbubunga ng mabuting character naku mawawala ang mga awayan, mawawala ang dibisyon sa loob ng church, sa loob ng pamilya, sa loob ng trabaho, mapupuno tayo ng pagmamahalan sa isa't isa. Yung mga kabataan hindi mag-aaway away hindi magpapataasan kung hindi magmamahalan sila. Imagine mo dito sa mundo natin na self-centered ang mga tao ay mapupuno tayo ng mga tao na magmamahal at maglilingkod sa kapwa ng walang inaasahang kapalit kapag lahat tayo ay nagbubunga sa ating relasyon sa Diyos.

Malinaw sa Bible na ang mga alagad ng panginoong Hesus ay kailangang magkaroon ng bunga ito ay inaasahan sa atin ng Diyos. Bunga sa pagbabago ng ating character at bunga ng mga

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press