3 Paraan Upang Makabuo Ng Ugaling Mapagpasalamat


Naranasan mo na ba sa iyung sarili na hirap na hirap kang magpasalamat sa Diyos o sa ibang tao? O kaya sa kabaligtaran ay meron kang inaasahang tao na magpapasalamat dapat sayo pero hindi niya ginawa? Alam mo hindi ka nagiisa kasi ang natural na tugon ng tao sa mga bagay na natatanggap niya ay selfishness at hindi gratefulness. Tapos lalong mas mahirap magpasalamat kapag dumaan ka sa kahirapan o mga challenges sa buhay. Na Kapag hindi nangyari ang isang bagay ayon sa iyung pinlano ay naku ang hirap magpasalamat. Bakit? Kasi frustrated ka at disappointed at malamang puno pa ng galit. At marahil ang dami mo pang tanong.
Bakit nangyayari ito sa buhay ko? Ilan beses ko ba pagdadaanan ang ganitong sitwasyon? Kailan ba talaga magkakaron ng pagbabago sa aking buhay?
Narealized ko na mas madali mahulog sa trap ng pagiisip at pagfocus sa problema kaysa mag-focus sa Diyos. Kaya tuloy ang resulta nito ay pagrereklamo, pagkukutya, pagkagalit at sakit ng kalooban. Narealized ko na sa gitna ng kahirapan ay mabilis tayong makalimut kung gaano kabuti ang Diyos. Nakakalimutan natin na pinakita na ng Diyos kung gaano Niya tayo kamahal

Sabi sa Roma 5:8 ASND

Show More

“Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin.”
Kaibigan alam ko masakit ang pinagdadaanan mo pero Huwag mong husgahan ang Diyos base sayong sitwasyon kung hindi husgahan mo ang iyung sitwasyon base sa kung sino ang Diyos. Ang Diyos ay pagibig. Ayon sa talata hindi ka Niya inantay na magbago kung hindi noong makasalanan ka pa ay namatay na Siya para bayaran ang kaparusahan ng iyung kasalanan sa krus. Ginawa Niya ito para patunayan sayo kung gaano ka Niya kamahal. Dapat ikaw at ako ang mamatay pero Siya ang namatay para sa atin. Kaya nga ang sabi sa 1 Cronica 16:34 ASND

“Magpasalamat kayo sa Panginoon dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.”

Kaibigan ito ang paguusapan natin ngayun kung paano ba tayong matututong

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press