3 Seryosong Pagtugon sa Salita ng Diyos.


Nagtataka ka ba kung bakit may mga taong pabalik-balik sa sitwasyon na laging talunan sa kanyang lakaring Kristiyano? Siya ay nabibigo na maging isang mabuting halimbawa sa kanyang asawa mga anak kaibigan at kamaganak. Nagtataka ka kasi matagal na siyang Kristiyano linggo-linggo ay nakakarinig siya ng Salita ng Diyos pero bakit wala itong pakinabang sa kanya. Wala kang nakikitang pagbabago at umiiral pa din ang kanyang sariling kagustuhan? Marahil ang taong ito ay laging may isyu sa isang tao o siya ay palaging may conflict sa kanyang asawa o kaya siya ay nahihirapang magpakita ng honesty at integrity sa trabaho, sa pamilya at sa ibang tao, pero siya ay linggo-linggo nagsisimba o nakikinig ng sermon.

Maaring nakakarelate ka kaibigan at tinatanong mo. Bakit nga ba ang tagal ko nang nakakarinig ng Salita ng Diyos kaso hindi pa din ako lumalago sa aking pagmamahal sa Diyos? Ang pagsamba ko pag Linggo ay isang obligasyon, ang quite time ko ay isang obligasyon din. Maaring ginagawa ko ang mga bagay na ito pero napipilitan lang. Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa din ma-deny ang aking sarili? Nahihirapan ako magpatawad kasi mas mahal ko ang aking sarili kaysa sa Diyos.

Show More

Sabi sa Hebrews 4:12 "Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng puso."

Ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa. Ito ang kapamaraanan upang tayo ay Kanyang kausapin. Pwedeng ito ay habang nakikinig ka ng sermon, o nagbabasa ka ng Biblia sa iyung quite time, o kaya sa iyung dgroup at iba pa. Narealizsd ko na kaya buhay ang Salita ng Diyos ay una dahil ito ay galing sa isang Diyos na buhay at pangalawa alam ng Salita ng Diyos kung ano ang iyong iniisip at pinaplano. Updated Siya sa iyo at alam niya kung ano ang nararapat Niyang sabihin sa iyo upang ikaw ay magabayan at tulungang magbago. Kaya lang kaibigan wala

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press