4 Na Gabay kung Paano mamahalin ang Diyos


Kinukumpara mo ba minsan yung pagmamahal mo sa Diyos sa klase ng pagmamahal mo sa iyong asawa, sa iyong anak, o kaibigan. Minsan iniisip mo bakit parang mas mahal ko yata ang aking asawa, o ang aking anak kaysa sa Diyos. Iniisip mo nagpapasalamat naman ako sa Kanya kasi niligtas niya ako mula sa kalunos-lunos na problema kaya lang pagmamahal ba yun? Tapos ako natatakot din naman ako sa Kanya at gumagalang kasi Siya ay makapangyarihang Diyos, kaya lang iniisip mo din pagmamahal ba yun? O kaya iniisip mo na nagse-serve ka naman kay Lord sa church pero ibig ba sabihin nito ay pagmamahal? Kaya tuloy maaaring tinatanong mo posible ba talaga na mahalin ang Diyos.

O kaya naman alam mo na mahal mo naman ang Diyos pero gusto mong mapaunlad pa ito kasi sabi sa Bible ay ang pinakamahalagang utos ay ang mahalin ang Diyos.

Show More

Basahin natin yung Marcos 12:29-31 MBB

29 Sumagot si Jesus, “Ito ang pinakamahalagang utos: ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos—siya lamang ang Panginoon. 30 Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong pag-iisip mo at buong lakas mo.’ 31 Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.”

Ang sabi dito sa talata na ito ay wala ng ibang utos na hihigit pa sa mga ito. Mahalin mo ang Diyos at mahalin mo ang iyung kapwa. Kaya lang ay hindi mo mamahalin ang Diyos sa paraan na iniisip mo lang, sabi dito mamahalin mo ang Diyos ng buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip, at buong lakas. Ang ibig sabihin ang lahat-lahat ng meron ka ay gagamitin mo yun para mahalin ang Diyos. Ang ibig sabihin binabawasan pala natin yung totoong kahulugan ng pagmamahal sa Diyos kapag iniisip nating emosyon lang ang kailangan para mahalin ang Diyos. Mali kasi kapag nakabase lang ito sa pakiramdam itoy madaling magbago. Kapag hindi naging maganda ang sitwasyon ng buhay ay yung pagmamahal mo sa Diyos ay mapapalitan ng galit, tampo at pagdududa.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press