4 Na Pinakamahalagang Pamana Para sa Ating Mahal sa Buhay (Leaving A Lasting Legacy)
Kung ang buhay mo dito sa lupa ay magtatapos na. Ano ang gusto mong maalala ng mga tao patungkol sayo? Anong gusto mong pagkwentuhan nila patungkol sayo? Anong bagay ang iiwan mo na maipapasa mo sa maraming generation? Anong gusto mong ipamana sa mga mahal mo sa buhay na hindi nasisira, hindi nananakaw at hindi nawawala ang value? Kaibigan kung mawawala ka ba sa mundong ito ay meron bang magsasabi na mga tao na nagiba ang direksyon ng kanilang buhay dahil sayo?
E kuya Mike mahirap lang ako wala naman akong kayamanan na maipapamana sa iba. Wala akong naipong pera, bahay at mga ariarian. Wag ka magalala kaibigan. Bakit? Kasi ang pinakamahalagang bagay na maipapamana mo sa mga tao ay hindi ang iyung pera o ariaraian. Ang pinakamahalagang legacy na iiwan mo ay ang iyung buhay mismo. Ang pinakamahalagang pamana na iiwan mo sa mga mahal mo sa buhay ay ang iyung personal testimony. Naku kuya mike wala naman akong naaalalang testimony ko. Meron kaibigan. Arawaraw ay nagdedeposito tayo ng ipapamana sa ibang tao. Paano yun? sa pamamagitan ng ating buhay na nakikita ng ibang tao.
Show More
Ano ibig kong sabihin? Sa ayaw at sa gusto mo ay meron ka ng legacy na iniiwan ngayun pa lang. Yun nga lang Pwedeng mabuti o masama. Pwedeng katatagan o kahinaan, pwedeng katamaran o kasipagan, pwedeng makaDiyos o kasamaan, pwedeng honesty o kasinungalingan,
Kaya nga kaibigan Depende kung ano ang buhay mo ngayun. Ay sya rin naman ang iyung maipapamana sa ibang tao.
Kaibigan intindihin mo ito sa arawaraw ay nagtatayo ka ng legacy sa bawat taong nakakasalamuha mo lalo na sa iyung pamilya. Bakit? Kasi ang mga taong malapit sayo ang nakakasaksi kung saan mo ginagastos ang iyung pera, nakikita nila kung saan mo inuubos ang iyung oras, nakikita nila kung saan mo ginagamit ang iyung talent at nakikita nila kung ano ang priority mo. At kung ano ang nakikita nila sayo ay yun din ang mamanahin nila at gagawin.
Marahil iniisip mo na ang magandang ipamana bukod sa pera ay pagkahilig sa sports, o galing sa











