4 na Sikreto ng Pagkakaron Ng Isang Joyful life
Kaibigan kung ikaw ang tatanungin ay anong bagay ang magbibigay sa iyo ng kaligayahan?
Maraming tao ang hindi nae-enjoy ang buhay. Pinagtitiisan lang nila ito. Ang buhay ay naging isang mahirap na gawain na at trabaho na kailanganan mo lang pagtiisan. Walang aasahang kaligayahan kasi may mga bagay na kailangan munang magkaron bago sila sumaya.
Show More
Halimbawa nagiisip sya na - "magiging maligaya sana ako kung meron ako ng tamang trabaho na gusto ko".
Magiging maligaya sana ako kung nahanap ko ang tamang asawa”
"magiging maligaya sana ako kung tatama ako sa lotto, kung ganito lang sana ang aking kalagayan, masaya sana ako."
Maraming tao ang naniniwala na ang happiness ay nakabase sa perpect circumstances.
Kung perfect ang lahat ay magiging happy na ako. Narealized ko na maaaring merong katotohanan ito pero ang pagkakaron ng joy sa kabilang banda ay hindi nakabase sa sirkumstansya ng buhay.
Ang happiness ay nakabase sa happenings. Kaya may pagkakataon na ikaw ay happy. Kapag may party o gimik masaya ka pero pagtapos nun malungkot ka na naman. Pero ang joy ay kakaiba hindi ito nakabase sa happenings at circumstances ng buhay. Happiness is external pero ang joy ay internal.
Ang biblical joy o kagalakan ay galing sa puso na nagpapasakop sa Diyos at Banal na Espiritu. Alam niya na ang Diyos na nangunguna sa kanya ay mabuti at mapagmahal. Nagtitiwala siya na kahit anong hirap ng sirkumstansya ang pagdaanan niya sa buhay ay malalampasan niya ito sa paraang ang buhay niya ay magiging katulad ng Panginoong Hesus at magbibigay pa din ng karangalan sa Diyos.
Ito ang paguusapan natin ngayun paano nga ba tayo magkakaron ng joy na hindi nawawala. Tapusin mo ang mensahe na ito dahil ito ang magbibigay sa buhay mo ng peace, contentment, kalakasan sa mga challenges ng buhay, matibay na relasyon at magkakaron ka ng bagong purpose sa buhay na magbibigay sayo ng joy arawaraw.
Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Worship











