5 February 2025 - Only By Grace Reflections
#OnlyByGraceReflections #CFC #CouplesforChrist
NOTE: Please click the Subscribe key on YouTube and press the black notification bell to receive the daily reflections. Or, open in YouTube for easy access. View and Like. Thank you.
Show More
TOPIC: PAANO MAG-EVANGELIZE NG SARILING PAMILYA, KAMAG-ANAK, AT KABABAYAN?
First Reading: Hebrews 12: 4-7, 11-15
Responsorial Psalm: Psalms 103: 1-2, 13-14, 17-18a
Alleluia: John 10: 27
Gospel: Mark 6: 1-6
Kung patungkol sa pananampalataya, naaangkop (applicable) pa rin ang talinghaga ng maghahasik (The Parable of the Sower), na pinagmunian natin noong nakaraang Miyerkules. Kahit na ang instrumento ng maghahasik ay sariling kapamilya, kamag-anak, o kababayan, ang binhi ay maaari pa ring malaglag sa daanan, sa batuhan, sa may matitinik na halaman, o sa matabang lupa.
Minsan ay mas mahirap pa nga na mahikayat sa pananampalataya ang sarili nating mga anak, kapatid at kamag-anak. Si Hesus na rin ang nagsabi: “Ang isang propeta'y iginagalang ng lahat, maliban ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at ng kanyang pamilya.”
Pero, brothers and sisters, hindi ito hadlang para magpatuloy na i-evangelize lalo na ang ating sariling pamilya, kamag-anak, at kababayan.
Ipinakita mismo ni Hesus: kahit pa alam Niya na mayroong hindi tatanggap o maniniwala sa Kanya, kahit alam Niya na “Ang isang propeta'y iginagalang ng lahat, maliban ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at ng kanyang pamilya,” umuwi pa rin siya sa “sariling bayan kasama ang kanyang mga alagad” at nagturo. Pagkatapos na hindi Siya tanggapin, hindi pa rin Siya tumigil. Hindi Siya nawalan ng loob. Hindi Siya sumuko. Bagkus, nagpatuloy Siya sa pagtuturo.Ayon nga po sa ebanghelyo, “Nilibot ni Jesus ang mga nayon sa paligid at tinuruan niya ang mga tagaroon.” (v.6)
This is the 1746th installment of our CFC contemplation series focusing on the daily liturgical readings.
[NOTE: Let us listen to our brother Arnel Santos, a member of the CFC Board of Elders and Mission Head for











