5 Nakakagimabal Na Epekto Ng Kasalanan
Nakaranas ka na ba ng pagdidisiplina ng Diyos? O kaya naiisip mo na kaya ka dumadaan sa kahirapan ngayun ay dahil kinakalabit ka ng Diyos at gusto Niyang kuhanin ang atensyon mo dahil nakakalimut ka na sa Kanya. O kaya naman nakita mo ang sarili mo na marami ka ng namiss na opportunity para makapaglingkod sa Diyos at iniisip mo na merong kinalaman ang kasalanan mo na hindi binibitawan kaya wala kang siglang lumapit at maglingkod sa Diyos. Alam mo ba na sa lahat ng choices na pinipili natin sa buhay ay may consequences ito lahat. Ang Isang maliit na desisyon na hindi pinagisipin at isinalang alang ang kalooban ng Diyos ay kayang sirain ang isang pamilya o isang buhay.
At kahit pa nga ang tingin natin ay napakaliit naman ng desisyon na iyon ay kadalasan ay mas malaki pa ang nagiging consequence.
Ganon din naman ang kasalanan. Ang kasalanan maliit man o malaki ay may kaakabit na epekto sa ating buhay, hindi lang dito sa lupa kung hindi abot ang epekto hanggang sa kabilang buhay.
Show More
Kung ganito ang kasalanan ay bakit hindi natin ito binibigyan ng seryosong pagiwas. Alam mo kung bakit? kasi iniisip natin na may dalawang kategorya ang kasalanan. Merong maliit at malaking kasalanan. Isang hindi masyadong seryosong kasalanan gaya ng pagsisinungaling o kaya pagtsismis at ang ikalawa naman ay yung mas seryosong kasalanan gaya ng pagpatay, pangangalunya, pangrape at iba pa.
Iniisip natin na ok lang gawin yung maliliit na kasalanan at iwasan ang malalaki. Iniisip natin na walang masyadong epekto ang pagsabi ng half truth, pagiisip ng masama sa kapwa, pagtaas ng boses, pag-judge sa iba dahil hindi ka naman pumatay at tapos hindi ka naman masyadong nakokonsensya dahil nakikita mo na pangkarinawang ginagawa din ito ng iba kaya ang resulta nito ay iniisip mo na walang dahilan para humingi ng tawad sa Diyos.
Kaibigan yang sa tingin mo na maliit na kasalanan na yan ay parehas lang yan ng ibang kasalanan.
So sa anong paraan ba tayo maliligtas? Ano ang ibig sabihin ng kasalanan at











