5 Palatandaan ng isang Komportableng Kristyano


Natatanong mo ba sarili kung bakit parang wala kang pagnanasa na makilala ang Diyos ng tuloytuloy? Yung pagnanasa na talagang kahit sino humarang ay walang makakapigil sayo. Gagawin mo ang lahat para lamang makilala ang Diyos. Itatakwil mo ang lahat o bibitawan mo ang mga bagay na humahadlang para makilala mo lang ng lubusan ang Diyos. Tapos napapansin mo din ba sayong sarili na wala ka ding pagnanais na maglingkod sa Diyos ng buong puso at lakas? Na intensyonal ka na ipagamit ang iyung oras, talento at pera para sa kaharian ng Diyos? Narealized ko na maaaring kung ganyan ang nararamdam mo ay maaaring naniniwala ka na matapos ka manapalataya sa Panginoong Hesus ay magiging komportable at magaan na ang buhay kaya hindi mo kailangang magpakahirap na bigyan ng time ang pagkilala at paglingkod sa Diyos. O kaya naman maaaring iniiisp mo na tutal tinanggap ko na naman na ang Panginoong Hesus ay tuloy lang ang dating buhay na convenient. Hindi kailangan ang 100% na commitment. Iniisip mo na ang Diyos ang magpi-fit at magaadjust sa iyung lifestyle para hindi ka mahirapan.

Kaibigan tignan natin sa ilang talata kung ano ang description ng isang alagad ng Panginoong Hesus.

Show More

Sabi ni Pablo sa Filipos 3:12 ASND
“Hindi ko sinasabing nakamtan ko na ang lahat, o kayaʼy naging ganap na ako. Sa halip, patuloy akong nagsusumikap para makamtan iyon, dahil ito ang layunin ni Cristo Jesus nang tawagin niya ako.”

Tandaan natin ang salitang PATULOY NA NAGSUSUMIKAP

Then tuloy natin sa susunod na verse

“Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap.”
Filipos 3:13 ASND

Tandaan natin ang salitang “PINAGSISIKAPAN KONG MAKAMTAN ANG NASA HINAHARAP”

Then sabi sa 1 Timoteo 6:12 ASND
“Ipaglaban mong mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan,...”

Pansinin natin ang salitang “ipaglaban. Mong mabuti ang pananamapalataya”

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press