6 Dahilan Kung Bakit ang Relasyon ay Nasisira
Ano nga ba ang dahilan kung bakit nasisira ang mga relasyon at nauuwi sa hiwalayan gaya ng sa magasawa. Sabi sa statistics sa America ay yung mga ikinasal sa unang pagkakataon ay 50% sa kanila ay naghihiwalay. Tapos doon naman sa mga nagpakasal sa pangalawang pagkakataon ay 76% naman sa kanila ay naghihiwalay ulit. At sa pangatlong pagkakataon ng pagpapakasal ay 84% naman ay nauuwi din ulit sa hiwalayan. Nakakalungkot dahil kahit sa mga Kristyano ay hindi nalalayo sa statistic na ito.
Grabe sobrang layo nito sa disenyo ng Diyos patungkol sa pagaasawa.
Show More
Tignan natin ang sagot ng Panginoong Hesus sa mga nagtatanong sa Kanya kung pwede bang makipaghiwalay ang isang tao sa kanyang asawa?
Sabi Niya sa Mateo 19:4 TLAB
“At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae,”
Ok hinto muna tayo dito ang nilalang at dinisenyo ng Diyos para sa isang relasyon ay lalake at babae. Kaibigan Masakit man pero kailangan ko sabihin ito na Hindi sinabi dyan na lalake at lalake o babae at babae ang nilikha kung hindi lalake at babae ang dinisenyo para sa isang relasyon.
Tapos tuloy natin sa susunod na verse
“At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.”
Mateo 19:5-6 TLAB
Ang sinasabi dito na ang dalawa ay magiging isang laman ay ang pagpapahayag sa atin ng Diyos ng Kanyang original na plano sa pagaasawa. Ginawa Niyang isang laman ang dalawa upang lagyan ng selyo at gawing permanente ang relasyon ng magasawa.
Ang intensyon ng Diyos sa pagaasawa ay panghabangbuhay na commitment at hindi pwedeng masira. Kaya nga kung mapapansin natin na hindi ang pari o pastor o mayor ang nagisa o nagsama sa dalawang kinasal bilang isang laman kung hindi ang Diyos.
Ang pagiisang laman ay hindi lang sa











