7 Paraan Kung Paano ka Aalagaan ng Diyos
Nahihirapan ka bang ipagkatiwala ang probisyon sa lahat pangangailanan mo sa Diyos? Marahil pinapakita mo ito sa Kanya sa pamamagitan ng pagsisikap na makasurvive ng hindi lumalapit sa Diyos. O kaya naman ay wala lang talaga sayo ang paglapit sa Diyos dahil iniisip mo na hindi naman ito importante sa buhay. Marami kang kailangang gawin sa buhay mo. Marami kang kailangang asikasuhin kaya nga ang Diyos ay saka nalang pag may time na.
Kaibigan alam mo ba na may istorya sa Bible tungkol sa mga Israelita na busyng busy sa kanilang buhay. Trabaho dito, trabaho doon, nagaasawa, naghahappy happy, naggagawa ng negosyo, nagpapatayo ng bahay, at iba pa. Kaya lang ay kinalimutan nila na gawin ang templo ng Diyos. Ang templo na naglalapit sana sa kanila sa Diyos ay hindi nila binigyan ng halaga. Para sa kanila ay hindi ito importante at hindi ito ang priority. Maaaring hindi nila sinabi na hindi nila gagawin ang templo pero pinapahiwatig naman nila sa Diyos na oo gagawin ko yan pero saka na. Wag muna ngayun abala ako sa aking trabaho at pamilya. Maaaring ganito din tayo sa Diyos na nagsasabi na saka nalang Lord kasi baka masira ang aking plano sa buhay. Saka nalang Lord kasi may itatayo akong negosyo. Kaibigan kung ganito ang mindset mo ay kailangan mo magrepent at magbago. Kasi ganito din ang mindset nung mga Israelita dati pero tignan mo ang ginawa ng Diyos sa kanila. Sabi sa Hagai 1:4 MBB05
““Tama ba na naninirahan kayo sa mga magaganda at maaayos na bahay ngunit wasak na wasak naman ang aking Templo?”
Show More
Parang sinasabi dito na naiayos nyo nga ang inyong tahanan, naasikaso nyo ang inyong trabaho, pamilya at iba pa pero ang templo ng Diyos ay hindi. Maaaring sinasabi nila na wait lang Lord hindi makakabuti sa akin na unahin kita. Grabe no kaya tignan natin ang sabi ng Diyos sa kanila sa susunod na verse.
“Hindi ba ninyo napapansin ang mga nangyayari sa inyo? Marami na kayong naihasik ngunit kaunti lamang ang inyong ani. May mga pagkain nga kayo ngunit kakaunti naman at hindi











