7 TIPS TO SILENCE YOUR MIND | BRAIN POWER 2177
Brain Power 2177
Video Title: 7 TIPS TO SILENCE YOUR MIND | BRAIN POWER 2177
Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UC3LLn6bPkCStfCHKShTZrrQ/join
Show More
Panatilihing bukas ang pintuan ng iyong buhay. Bukas sa harapan at bukas sa likuran. Ibig kong sabihin, hayaan mong pumasok ang iyong iba't-ibang iniisip at hayaan mo ring ito'y lumabas. 'Wag mo silang pagsilbihan.
Ang daming mga bagay na nakakainis sa buhay. Pero alam mo ba ang MAS NAKAKAINIS? Ang ingay sa loob ng ulo mo. Isang abalang isipan na hindi tumitigil at hindi ka bibigyan ng kapayapaan. Nakakapagod ang ganitong isipan.
May mga araw na akala mo perpektong araw na 'yon. Masaya ka na sa mga ginagawa mo. Naramdaman mo na ang payapang paligid. Pero bigla na lang susulpot ang negatibong pag-iisip mo. Naiisip mo na lang kung anong gagawin mo bukas. Naiisip mo kung bukas ay masaya ka pa rin ba. Kung anu-ano na lang ang maiisip mo. Bigla mo na lang nakakalimutan ang kagalakan sa araw na 'to. Dahil sinasakop ka ng ingay sa ulo mo.
Kapag sinasakop ka ng walang kabuluhang ingay na pag-iisip at wala kang ideya kung paano ito ihinto, nakakapagod talaga. Alam ko. Nagdurusa ako noon. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pero ito ang nagtutulak sa akin na lumabas nang mag-isa at manatili sa nature. Sa nature ko inilabas ang aking negatibong pag-iisip. Sa kabutihang palad, mabilis kong natuklasan kung paano ko mapatahimik ang maingay kong isipan at hindi pala ganoong kahirap tulad ng inaakala ko. Paano ko ba 'yon ginawa? Hindi ko binago ang takbo ng aking isipan at hindi ko rin inayos. Ano ba ang ginawa ko? Hinayaan ko silang pumasok. Pero hindi ko sila pinagsilbihan. Hanggang sila'y lumabas ng kusa. Para sa akin kasi, mahirap kung pilitin nating alisin ang negatibong pag-iisip. Mas madali kasi kapag ito'y tanggapin natin.
TRANSCRIPT: https://bit.ly/3N52oms
--------------------------------------------------------------------------------------------
Hi everybody I write and speak all of the speeches myself,











