8 Susi Para sa Mas Mabuting Habits
Ang habit ay paulitulit nating ginagawa at ito ay nakaukit na sa ating utak kaya mas madalas ay mahirap itong bitawan. Merong mabubuting habit gaya ng exercise, pagkain ng tama, at arawaraw na pakkkipagusap sa Diyos. O meron din namang bad habits na nagiging dahilan para hindi tayo lumago gaya ng sobrasobrang panonood ng tv, adiksyon sa sugal, adiksyon sa video games, tsismis, adiksyon sa shopping o sobrasobrang pagbili at pagipon ng mga materyal na bagay, adiksyon sa pagtulog, adiksyon sa bisyo, pagkain ng sobra, o kaya naman ay meron kang nakakahiyang habit na ayaw mo pagusapan na talaga namang nagiging dahilan para ka mapalayo sa Diyos at masira ang iyung trabaho at pamilya.
Kaya nga marami sa atin ang inaasam asam na makakakawala sa mga paulitulit na pattern na ito upang makagawa naman ng mas mabuti at produktibong bagay.
Narealized ko na madaling magkaron ng bad habits pero napakahirap naman nyang tanggalin. Bakit? Kasi kalaunan ay nagiging alipin tayo ng mga habit na ito.
Sabi sa 2 Pedro 2:19 MBB05
“... sapagkat ang tao ay alipin ng anumang hindi niya kayang mapanagumpayan.”
Show More
Sabi dito ang mga bagay na hindi mo mapagtagumpayan gaya ng habit ay ang siyang umaalipin sayo.
Narealized ko kapag ang isang bagay ay hindi mo matanggal kahit na nga ito ay nakakasira na sayo ay dahil ito sa ikaw ay naging alipin na niya. Ang bagay na ito na ang may kontrol sayo.
Alam mo ang delikado dito ay yung mga tao na nagiisip na ang kailangan lang makakawala sa mga habits ay yung Drug addict o kaya alcoholic. Yan yang mga ganyang tao ang nangangailangan ng ganitong mensahe. Oo tama ka kailangan nila ito pero lahat tayo ay may pangangailanan ding makawala sa ibatibang bagay.
Halimbawa maaaring ikaw ay alipin ng sobrang selos lahat nalang ng makakausap ng iyung asawa o boyfriend o girlfriend ay pinagseselosan mo. O kaya maaaring ikaw ay alipin ng sobrasobrang trabaho, ginagawa mo ito para marecognize ka ng mga taong nakapaligid sayo. O kaya naman ikaw ay alipin ng tsismis, hindi











