AGAPE; Dakilang Pag-ibig ng Diyos


Tinutukoy ng Ebanghelyo sa Linggong ito ang patungkol sa pinakadakilang pagibig sa lahat; ang pagibig ng Diyos. Tayong mga tao likas na sa atin ang mag sakripisyo ng mga bagay para sa ating mga minamahal sa buhay. Ang ating Diyos ay tunay ngang dakila sa lahat sa pagkat sa kabila ng pagiging pinakamakapangyarihan Niya sa buong sangtinakpan ay hinayaan Niyang magkatawang tao ang kanyang bugtong na anak na si Hesus, at magpakasakit at mamatay sa krus alang alang sa ikatutubos ng sala ng sangtinakpan.
Ngayong Linggo ay ipinagdiriwang din natin ang Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo, o mas kilala bilang “Santissima Trinidad” at “Tatlong Persona sa Isang Diyos”. Sa ating paniniwala bilang mga katoliko at kristiyano, Iisa lamang ang ating Diyos ngunit ito ay may tatlong persona bilang Tagapaglikha (Ama), Tapagligtas (Anak), at Tagapagbanal (Espiritu Santo). Tatlo man ang persona ng ating Diyos ay tunay namang Sila ay iisa at ano man ang mangyari ay hindi maaalis ang katotohanan na ang Ama, Anak at ang Espiritu Santo ay patuloy na nabubuhay at naghahari sa atin dahil sa iisang bagay at ito ay ang Pagibig.
Kaya nga ngayong Unang Sabado ng buwan ng Hunyo, para isabuhay ang isang talata sa bibliya, ating pakinggan si Bro. Nestor Volfango.
Ating ayain ang ating mga ka-pamilya, kaibigan, at mga katrabaho!
Sabay sabay po tayong magpuri at sumamba sa Diyos Ama.
Atin po itong mapapanood ng live sa FB Page ng You Are More Than Enough bukas alas-dos ng hapon.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press