AKALA KO KASI IKAW NA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
AKALA KO KASI IKAW NA
BY: KHIEY URA EMBRADO
VOICE: MERCY BLESS
sa mga dumaang araw
ang puso’y kaylungkot
naka tingin sa mga ulap
iniisip ba’t ganito ang nangyare
akala ko ito ang pag-ibig
dahil ang buong akala ko
ikaw na ...
Show More
nakampante ako dahil nandiyan kang
masaya sa piling ko
nandiyan kang umaakbay palagi
sa tuwing nahihirapan ako
yung tipong
pinaparamdam mo sakin
na mahal mo ako higit pa sa inaakala ko
ngunit isang araw nawala ka nalang na parang bula
nawala ka ng walang paalam
nawala ka nalang na parang wala tayong pinagsamahan
alam niyo yung pakiramdam?
na mabibigla ka nalang na
wala na yung taong laging nagpapasaya sayo
nayung dating pahinga mo
ang siyang nagging dahilan
bakit nasasaktan ang iyong puso
ang tanga tanga ko
dun sa puntong nahulog ako sa taong iiwanan lang ako
ang tanga ko dun sa punto na
pinaniwala ko yung sarili kong tayo hanggang dulo
gusto ko ng lumihis sa mga ala-alang sabay nating ginawa
ngunit umiikot parin ang mundo ko sayo na
bigla nalang nawala
ewan ko kung bakit ganito
kung bakit hanggang ngayon
nakaukit parin sa puso ko ang
salitang tayo
nananatili parin sa isipan ko
lahat ng mga pangakong
sabi mo sabay tayo
pero tama na
tama na ang lahat na pasakit na ginawa mo
tama na ang pagpapakatanga sa isang katulad mo
at sana'y balang araw
maisip mo na
mali ito...
na maling iwan mo nalang ang taong
walang ibang hinangad
kundi ang kaligayahan mo
walang ibang ginawa
kundi ang umikot ang mundo ko
para sayo
buong
akala ko kasi ikaw na
akala ko wala ng dulo
pero nagkamali ako
dahil heto
mag-isang hinihilom
ang sakit na iniwan mo
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
Facebook Page
https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351
Tiktok
tiktok.com/@mercy.bless
Business Email
mercyblesscollaboration@gmail.com
Open Collab for all - send your original piece here :)











