Ako'y Gamitin Mo | Duet | Lyrics | SBBC


Siloam Bible Baptist Church

"AKO'Y GAMITIN MO"
Performed by Villas Family
Sariling Likha Ni Preacher Rico Angelo S. Castro

Show More

Wala na ngang ibang pagkakataon
Na gawin ang kalooban ng Diyos kun'di ngayon.
Kahapon ay napawi na, bukas ay 'di tiyak;
Sa buhay kong ito, ang Diyos ang may hawak.

Nawa'y hindi masayang ang pagkakataon
At sa panawagan Niya, ako ay tumugon
Mayro'n mang kahinaan, ngunit ito'y hindi hadlang;
Ang kapangyarihan Niya'y, hindi magkukulang.

Hayaan Mo, Panginoon, na ako ay maglingkod
Umaasa sa biyaya Mo't magbibigay-lugod.
Hindi sa'king sarili, ang karangalan ay Sa'yo.
Hayaan Mo, Panginoon, na ako'y gamitin Mo.

Ikaw, Hesus, ang tanging kailangan
At ang kabanalan Mo'y , siyang aking susundan.
Linisin Mo ang buhay ko't paging-dapatin Mo
Ako'y maglilingkod Sa'yo nang buong puso.

Hayaan Mo, Panginoon, na ako ay maglingkod
Umaasa sa biyaya Mo't magbibigay-lugod.
Hindi sa'king sarili, ang karangalan ay Sa'yo.
Hayaan Mo, Panginoon, na ako'y gamitin Mo.

Hindi sa lakas nitong aking laman
Ngunit sa kapangyarihan Mong tangan.
Ako'y naririto, ang buhay ko'y sidlan;
Sa bawat pagpapala Mo, ako'y maging daluyan.

Hayaan Mo, Panginoon, na ako ay maglingkod
Umaasa sa biyaya Mo't magbibigay-lugod.
Hindi sa'king sarili, ang karangalan ay Sa'yo.
Hayaan Mo, Panginoon, na ako'y gamitin Mo.

Hayaan Mo, Panginoon, na ako'y gamitin Mo.

-------------------------------------
#AkoyGamitinMo #SBBC #Baptist #ChristianSong
12.18.2022
_______________________

No copyright infringement is intended. Music Accompaniment used in this video credits to its rightful owner.
To God Be All The Glory!

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press