AKO'Y NAHULOG NA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

128,985 views

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
AKO'Y NAHULOG NA
BY: MERCY BLESS

Ganito pala ang pakiramdam
Kapag tinaam ka sa isang tao
Yung tipong kahit naaalala mo lang siya
Ay napapangiti ka na

Show More

Ang simpleng mga ngiti na nasilayan
Mga titigan na di malimut limutan
paulit ulit na tumatakbo sa isipan
napapatanong kung hanggang kelan

Hanggang kelan akong magiging ganito
umaasa na pwedeng maging tayo

Yung para bang mababaliw ka na
Sa kung bakit mo nararamdaman ang kilig at saya
Pilit mo mang iwasan dahil ayaw mong masaktan
Ay mas lalong gumugulo siya sa iyong isipan

Bakit ganito ang tadhana
Pabigla bigla
Kahit na ang puso ay di pa handa
Ay andiyan na siya

Gusto ng puso magpahinga
Pero nagpupumilit itong balik balikan
Ang mga oras na ikaw ang kasama

Ayoko kong mahulog sayo
Dahil di ako sigurado
Walang katiyakan kung ako ba’y mahal mo
Dahil palagay ko, ako’y kaibigan lang sa mga mata mo

Di ko alam kung pareho ba tayo ng nararamdaman
Di ko alam kung ako lang ba ang tinamaan
Di ako sigurado, dahil sino ba naman ako
Para paglaanan ng mga oras mo

Kung bibigyan man ako ng isang hiling
Iyon ay sana di nalang kita nakilala
Dahil wala naman akong nararamdaman
Nung di pa kita nakikita

Di ko aakalaing kilig ay mararamdaman ko
Di ko aakalaing ako’y agad na mabihag mo
Ayoko ng ulit na mahulog sa isang tao
Pero paano ba, dahil ako’y tuluyan ng nahulog sayo

Ang sakit sa puso
Na andito ulit ako
Na nagpapaniwala sa lahat ng mga akala
Na [wedeng magkabuluhan ang ikaw at ako

Nakakainis dahil nagiging tanga ulit ang puso
Gusto kitang kalimutan pero ano bang magagawa ko
Tuluyan na akong patay na patay sayo

Hahayaan ko nalang ba to?
O pipiliting kong baliwalaen ka
Mamahalin ba kita
O ika’y kakalimutan na

Kahit na piliin ko ang paglayo sayo
Wala rin naman patutunguhan to
Dahil sa huli
Ikaw at ikaw parin ang pipiliin nito

Talo na

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press