Alaala | spoken word poetry Tagalog


MERCY BLESS

166 views

ALA-ALA
BY: PLEN ROTAO
PRODUCED BY: MERCY BLESS

Kapag ang pusoy napagod na sa pag tibok
Kapag ang isipay hindi na maarok
ang pag asang unti unti ng rumurupok
Naway mahanap mo ako sa isang sulok.

Show More

Sa sulok ng iyong mga mata makikita
Kung saan pinaiyak kita sa bawat tula
Na nilikha ng mga tinta
Ng aking pluma.
Sa ganong paraan mo ako maa-alala.

Mag laho man at hindi na makita
Naway manatiling buhay ang aking mga salita
Na minsang nailathala,
Na minsang nagpaluha
Mahahanap mo ako sa bawat pahina.

Kung akoy hindi na marinig
O wala ng kung ano mang himig
Naway mas lalong manaig
Ang ipinadama kong pag-ibig
Ang aking pyesa ang syang magsisilbing tinig.

Iiwan kita at iiwanan ko na
Ang aking pluma at mga lukot na papel sa mesa
Ang natatanging lampara, unti unti ng humihina
Ang liwanag ay naglaho na.
Napagod na't, kailangan ko na ng pahinga.

Ipipikit ang aking mga mata
Lilikha ng huling tula
Ang huling eksenang makikita
Ay ang syang kasama ka
Sa dapit hapon ng aking kabanata

Maglalakad papalayo sayo
Kailangan ng lumisan sa piling mo
Kapag nalulungkot ang iyong puso
Pakiusap hanapin mo ako.

Sa pinakamasayang tula
Na naisulat ko
Doon mo makikita,
Ang pag ngiti ko sa bawat saknong at mga talata.
Alalahanin mo ako
Sa bawat tuwina.

Paalam aking sinta.
Kung hindi na makakalikha
Ng kahit ano mang tula
Naway iyong maalala
Na minsan kang naging paksa
Ng aking pyesa
At doon mo mauunawan
Na mananatiling buhay
Kailan paman.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press